Chapter 9

1.3K 32 6
                                    

"Wag ka daw masyadong magpapa-gabi sabi ng Papa mo." Paalala ni Mama habang sinusuot ko ang doll shoes ko.

"Opo." Sagot ko kaya tumango na sya bago lumabas ng kwarto.

Mahigpit si Papa sa amin ni Ate Selena pag-dating sa pag-aaral pero kapag sa mga lakad ay hindi naman basta wag lang aabutin ng disi-oras ng gabi. Gusto rin naman kasi ni Papa na maging normal ang buhay pagka-dalaga namin.

Speaking of that, alam na rin nina Papa na kami na ni Hades. Sinabi namin iyon kahapong pagka-uwi namin. Masaya si Papa para sa amin kaya mas dumoble ang saya sa puso ko. Literal nga akong naka-tulog na may ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari sa buong araw ko.

I pushed back my fishtail-braided hair that's hanging on my shoulder before I put my sling bag over my body. Pagbaba ko ay nadtnan ko si Hades na naka-upo sa sala kasama si Papa kaya nagulat ako.

Gaya ko ay kaswal din ang suot nya na lubos kong ipinag-taka. He gave me a small smile so despite my growing confusion, I smiled back. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi na lubos na nakapagpa-init sa mukha ko. Hindi naman sa ikinahihiya ko si Hades pero nakakahiya ang ginawa nya lalo na't nasa harapan namin si Papa.

Going in a relationship with Hades will take me in an extreme roller coaster ride because I know, I should try to grasp his lifestyle, which is way different from mine. One thing is this. His manner of greeting.

Napapa-nuod ko na itong sa TV pero iba pala ang pakiramdam kapag personal mong naranasan. It's so fulfilling in a way that he is still attracted to me because of his warm kiss. Na kahit naninibago ako ay masarap pa rin sa pakiramdam.

"Nasabi ko naman na aalis ako ngayon, diba?" Bakas ang pag-aalala sa boses ko dahil baka hindi ko nasabi at nasayang ang pag-bisita nya.

Tumango naman sya. "Hahatid na kita kung saan kayo mag-kikita ng mga kaibigan mo. Ihahatid rin kita pauwi dahil delikado kung mag-tataxi ka." Seryoso nyang sabi kaya napa-nganga ako.

I was touched by his gesture yet I feel like masyado ko syang maabala sa gagawin nya para sa akin.

"Okay lang. Sabay-sabay naman kaming uuwi nina Sandra." Tanggi ko kaya lalong sumeryoso ang mukha nya na lubos kong ikina-bahala. Did I offended him?

"Wag ka nang tumanggi, Yelena. Tama rin naman si Hades at baka mapa-hamak ka pa sa daan." Sabat ni Papa kaya tinignan ko sya at gaya ni Hades ay seryoso rin ang mukha nya.

"I will behave, Eina." He said in a lower tone na para bang ako lang ang gusto nyang maka-rinig. I shivered at how deep yet sweet his voice was, plus the way he said his nickname for me, na para bang nanlalambing sya. "Hindi nyo man mamamalayan na kasama ninyo ako. I just wanted to make sure you're safe." Dagdag pa nya and this time I sighed and nodded.

I know he is just worried about me and that from now on I should take account his feelings too because he is now my boyfriend. Hindi na puro sarili ko lang ang iniisip ko dahil baka kapag ganoon ay lumayo ang loob sa akin ni Hades who is trying to be the best boyfriend so I should too towards him.

Nag-paalam na kami kina Mama at Papa bago kami tuluyang lumabas. Nagulat ako nang makita na iba na naman ang sasakyang dala nya. This time it is a two-seater sports car. Hindi ko alam anong model ito pero base pa lang sa tatak ay alam ko nang mamahalin ito. I bet this is way more expensive than my life.

The engine roared when he started driving kaya napa-kapit ako sa seatbelt ko. I am not used to fast driving dahil mabagal lang ang mga PUV at mabagal lang ring mag-maneho si Papa. Mukhang napansin ni Hades ang paninigas ko sa upuan ko kaya unti-unting bumagal ang pag-mamaneho nya bago ko naramdaman ang kamay nya sa kamay kong mahigpit na naka-hawak sa seatbelt.

GREED | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن