"May problema ka ba, Yel? Kanina ka pa tulala."
Liningon ko si Pinky dahil sa pag-tapik nya sa balikat ko. Nakita ko ang pag-aalala niya kaya naman agad akong tumango at nag-kunwaring may tina-type kahit wala akong salitang nabubuo.
Naramdaman ni Pinky na ayaw kong makipag-usap kaya hindi na nya ako kinulit. Ilang linggo na rin akong ganito. Palaging matamlay at balisa.
Dapat kasi ay nag-uumpisa na ako sa pag-buo ng business ko pero wala pa ring nangyayari. Sa bawat pag-yaya ko kay Hades na tignan ang mga designs na ginawa ni Finn ay palagi syang may dahilan kaya naman hindi ako makapag-desisyon nang maayos dahil gusto ko ring marinig ang opinyon nya bilang boyfriend ko.
Minsan ay naiisip kong ayaw nyang magtayo ako ng business dahil sa inaasal nya. Na hindi nya ako suportado dahil kung maka-iwas sya ay parang isang nakaka-matay na virus ang pinag-uusapan namin.
Idagdag mo pa ang pag-iwas rin sa akin nina Sandra at Tanya. Yinaya ko kasi ulit silang lumabas pero nang araw ng labas namin ay bigla namang nag-yaya si Hades na pumunta sa bahay nila dahil hinahanap daw ako ng Mom nya. Hindi ako naka-tanggi sa kanya kaya ngayon ay hindi na ako kinaka-usap ng dalawa.
Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit lumalayo ang loob ng mga kaibigan ko, pati na rin ni Ate. Masyado akong focused kay Hades na nakalimutan kong may iba pa palang iniikutan ang mundo ko.
Minsan ay napapa-isip rin ako na para bang nasasakal na ako sa kanya. Na masyado nyang kinokontrol ang buhay ko kaya bawat galaw ko ay nagiging limitado. Na parang gusto talaga nyang malayo ako sa iba para sa kanya na lang ako.
Pero sa bandang huli ay binubura ko iyon sa isipan ko dahil mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Yata.
Dahil maging yun ay pinag-dududahan ko na rin. Iba ang Hades na kasama ko ngayon kaysa yung nanliligaw pa lang sa akin. Alam kong dapat tanggapin mo ang taong mahal mo pero yung hindi nya pag-tanggap sa akin ang nakakapagpa-bura ng nabuo kong pagmamahal para sa kanya.
Minsan ko na ring naisip na hiwalayan sya pero naiiyak ako at sumisikip ang dibdib ko kapag ganoon. Pero kung nauubos naman ako ay ano pang mapapala ng pagmamahal ko kay Hades?
"Pwede bang mawala yung pagmamahal mo sa isang tao?" Biglang tanong ko kay Mama kaya naman natigilan sya sa pag-hiwa ng carrots.
Liningon nya ako at naabutang naka-simangot kaya nag-hugas muna sya ng kamay bago tumabi sa akin.
"Kapag hindi naalagaan, oo." Simple nyang sagot kaya napa-buntong hininga ako.
"Akala mo siguro ay hindi ko napapansin yang maliit na pagbabago mo." Sabi pa nya kaya gulat ko syang liningon pero mahinahon lang ang ekspresyon ni Mama.
"Bakit hinahayaan mo si Hades na baguhin ka, anak?" Tanong pa nya na hindi ko agad nasagot dahil sa kawalan ng ideya.
"Masaya ako at nakikita kitang masaya kasama sya pero yung baguhin mo ang sarili mo para lang mapasaya sya ay hindi na ayos iyon." Malumanay na sabi ni Mama bago hinimas ang ulo na nakapagpa-tulo sa mga luha ko.
"Masyado ko po bang binigay ang lahat ko dahil lang sa gusto kong may magmahal sa akin?" Iyak ko kaya naman mabilis akong hinila ni Mama sa isang yakap.
She hushed me but I just kept on crying as I remember all the changes in me for the past months. I even doubted my own ability just because it does not fit Hades' standard. Realization is now hitting me so bad that it breaks my heart.
"Hindi naman masamang mag-hangad ng pagmamahal basta siguraduhin mong makakabuti iyon sa iyo at sa inyong dalawa." Bulong ni Mama habang patuloy sa pag-hagod sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
GREED | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionGreed is an inordinate or insatiable longing for material gain, be it food, money, status, or power. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammat...