"Aren't you the most beautiful woman?" Naka-ngiting sabi ni Hades na nakapagpa-init ng sobra sa mukha ko.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya pero hindi sapat ang pag-puri nya sa akin dahil mabilis nyang naipalupot ang braso nya sa bewang ko at agad na pinatakan ng halik ang mga labi ko.
Kumalabog ang puso ko lalo na't nasa may kusina lang sina Mama at Papa pero ganunpaman ay na-excite pa rin ako sa halik ni Hades.
"You look beautiful too." Bati ko dahil totoo naman ito.
Kahit palagi syang naka-business suit ay iba ang dating nya ngayong naka-dark gray tuxedo sya na may cute na black na ribbon. Lalo na't maayos ang pagkaka-style ng buhok nya at shaved din lahat ng facial hairs nya na lalo lang nakapagpa-tingkad sa gandang lalaki nya. He looks so masculine while emitting a great amount of confidence and class.
"But nothing can be compared to your beauty." He whispered direct to my ear before giving it a soft kiss that gave me goosebumps.
Si Hades ang bumili ng suot kong gown ngayon kaya hindi na nakakapag-takang maganda ito. Gaya nang lahat ng pinamili nyang mga damit sa akin ay A-line ang tabas ng gown ko at hindi gaanong hapit sa katawan. Sapat lang ito para maka-hinga ako nang maluwag.
It is in a darker shade of beige that complimented my pale skin. The boat neckline hid any skin down my collar bones while the illusion sleeves end on my elbows. The bodice is designed with lace and small amount of rhinestones while the skirt is satin in material and flowy in style. As usual, Hades knows the right amount of elegance where I am ignorant at.
Pina-kulot ko ang buhok ko at nagpa-makeup sa malapit na parlor dahil nahihiya akong humingi ng pabor kay Ate lalo na't hindi pa talaga kami nag-uusap.
"Bolero." Pabiro kong sabi na nakapagpa-tawa naman sa kanya.
Nag-paalam na kami kina Mama at hindi kagaya dati ay may dalang driver si Hades ngayon. Hindi ito yung lalaki na nag-sundo sa akin noong isang araw kaya naka-hinga ako nang maluwag dahil medyo tinablan ako ng hiya nang maalala ang pag-iyak ko sa harapan nya.
Naka-akbay sa akin si Hades habang kaswal kaming naka-upo sa backseat. Kahit sinabi na ni Hades na mabait daw ang pamilya nya ay kinakabahan pa rin ako. I can imagine his Mom in the identity of his whole family. Scary strict.
Birthday daw ngayon ng isang Tito nya na kapatid daw ng Mama nya. Tinanong ko rin sa kanya ang lahat ng pangalan ng mga kamag-anak nya na dadalo rin sa party dahil ayokong mangapa kapag nandoon na ako. Besides, I want Hades to see that I am interested.
"By the way, what did your friends say?" Tanong nya na nakapagpa-tigil sa akin.
Mabuti na lang at madilim sa loob ng sasakyan kundi agad nyang mapapansin ang pag-tamlay ko.
"They understand naman. Sa susunod na lang daw na libre ako." I tried to sound normal dahil ayaw ko na syang mag-aalala pa.
Pero sa totoo nyan ay nagalit sina Sandra at Tanya nang sabihin kong hindi ako pwede. Iniisip nila na ayoko na silang makasama kahit pa hindi naman iyon totoo.
"Simula nang sagutin mo si Hades, palagi ka na lang MIA." Iritadong sabi ni Sandra.
"Ayokong mainis sa iyo, Yelena pero hindi ka naman kasi ganito dati." Sabi naman ni Tanya.
Ayaw ko mang isiping nagbabago ako dahil kay Hades ay hindi ko maiwasan. Una ay ang pananamit ko tapos ay ang kagustuhan kong pinuhin ang galaw ko at huli ay ang pag-iwas ko sa mga kaibigan ko.
Maganda naman ang epekto nito sa 'yo, Yelena. Sabat ng puso kong matindi ang pag-tibok para kay Hades.
Bahagya akong umiling para maalis na sa isipan ko ang ideyang iyon dahil baka masira lang ang gabi ko. Gusto ko munang mag-focus sa kung paano ko maayos na madadala ang sarili ko sa harapan ng pamilya ni Hades.
BINABASA MO ANG
GREED | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionGreed is an inordinate or insatiable longing for material gain, be it food, money, status, or power. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammat...