"Hi, Yelena!" Masayang bati ni Finn sa akin.
Mabilis ko syang yinakap bago tinignan ang baby nya. Minsan ko pa lang nakasama si Finn pero naka-palagayan ko na sya ng loob dahil mabait sya.
"Si Hades?" Tanong nya bago kami umupo sa sofa.
Hawak-hawak nya ngayon ang baby nya at hindi ko mapigilan na mamangha sa kanya. Nakikita ko na sya sa mga billboard at TV commercials dati pero hindi ko inaakalang iba pala sya sa personal. Mas maganda at lalo na, mabait din.
"Kausap si Caius sa labas." Sagot ko bago linaro ang kamay ni Faith.
Pupunta kami ngayon sa restaurant ng dating secretary ng kaibigan ni Hades na si Pier. Opening daw nito ngayon at inimbitahan niya sila kaya sinama na ako ni Hades. Bago pumunta doon ay dumaan muna kami dito kina Finn dahil may emergency daw na pag-uusapan sina Hades at Caius tungkol sa isang proyekto. Okay lang naman iyon sa akin dahil gusto ko ring kausap si Finn.
"Pwedeng pahawak muna kay Faith? Kukunin ko lang yung tablet ko." Sabi nya kaya lumapad ang ngiti ko at maingat na kinuha si Faith mula sa braso nya.
She cooed when she looked at me so I tickled her neck which caused her to giggle. I kept Faith entertained until Finn came back.
"Can I have your opinion about this?" Sabi nya nang umupo sa tabi ko.
Pinakita nya ang isang 3D na drawing ng isang bahay. Kinuha nya muna si Faith sa akin kaya malaya kong tinignan ang bawat detalye ng bahay.
"Ang ganda naman nito." Mangha kong sabi sa kanya. "Ang cozy ng vibe kahit plano pa lang sya." Dagdag ko pa kaya napa-ngiti sya lalo.
"Talaga? Sana ganyan din ang reaksyon nung kliyente ni Caius."
"Sigurado na yun. Ang ganda kaya ng design mo."
"Kapag nagpa-kasal kayo ni Hades, gusto mo gawan ko kayo ng design ng bahay?"
Mabilis uminit ang pisngi ko sa sinabi nya kaya sandali syang natawa.
"Yung business ko na lang muna ang gawan mo ng design." Biro ko at nakita ko ang pag-ningning ng mga mata nya.
"Sure, no problem." Naka-ngiti nyang sagot at agad naman akong umiling.
"Joke lang yun." Sagot ko bago tumawa.
"Pero seryoso ako. Ano ba yung itatayo mong business?"
"After 3 months sana, uumpisahan ko na yung pangarap kong coffee shop." Nahihiya kong sabi dahil si Finn pa lang ang unang pinagsabihan ko sa vision kong ito.
"Maganda yan lalo na't maraming tao ang go-to food ang coffee." Komento nya kaya nabawi ang hiya ko at napa-ngiti.
"Yun ang target kong customers. Yung mga workaholic at yung mga coffee lover talaga. Tapos naisip ko rin na maglagay ng mga books na pwedeng hiramin ng mga customers ko."
"Pwede. Nakuuuu! Excited na ako para sa iyo! Mamaya mismo ay gagawin ko na yung floor plan ng coffee shop mo."
Natawa ako kay Finn at hindi ko inaasahan na tumaas ang confidence ko dahil sa reaksyon nya. Enthusiasm really helps a lot.
Hindi ko pa ito nasasabi kay Hades pero sa tingin ko naman ay magiging pareho sila ng reaksyon ni Finn. Mahal nya ako kaya automatic na iyong susuportahan nya ang pangarap ko.
Hindi nag-tagal ay umalis na rin kami papunta sa restaurant ni Mirae. Ang kwento sa akin ni Hades ay parang may something daw sa kanila ni Pier kaya hindi ko napigilang kiligin at ma-excite para makita silang magkasama.
BINABASA MO ANG
GREED | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionGreed is an inordinate or insatiable longing for material gain, be it food, money, status, or power. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammat...