"Ma'am. May bulaklak na naman." Sabi ni Macey sabay abot sa akin ng isang maliit na bouquet ng dafodil.
I sighed before I shook my head, like I always do whenever Hades delivers flowers for me. Alam na ni Macey ang gagawin at yun ay itapon sa basurahan. Nasasayangan man ako sa mga araw-araw na pinapadalang bulaklak ni Hades ay ayaw ko syang bigyan ng pag-asa kapag tinanggap ko ang mga ito.
Hindi na ulit sya lumapit sa akin pero tuwing umaga, bago kami mag-bukas ay nakikita ko syang naka-tayo sa may harap ng shop habang may hawak na bouquet. He doesn't enter yet he stares at me and I feel uncomfortable so I always ask Macey to tell him to go away.
Araw-araw ay ganito ang setup namin. He stands in front of my shop, Macey will ask him to leave then he will give the bouquet to her para iabot sa akin na ipapatapon ko lang naman. For the past weeks, I feel bothered because of what Hades is doing. Naaawa na ako sa kanya at nahihirapan rin akong tuluyang kalimutan sya dahil sa ginagawa nya.
"Ang sipag din nung ex mong manligaw ulit." Sabi ni Mang Julius na syang barista ko.
Ako kasi ngayon ang cashier dahil may lagnat si Lara kaya naman malapit lang sa akin si Mang Julius. Tinignan ko sya bago malungkot na ngumiti.
"Ayaw pa po nyang tumigil kahit sinabi kong ayaw ko na." Kwento ko dahil parang sya ang pinaka-tatay namin dito.
"Kinausap mo na ba sya nang maayos?" Tanong nya habang nag-pupunas ng mga tasa. Wala pa kasing gaanong customer dahil kaka-bukas pa lang namin.
"Opo. Gusto ko na pong tigilan na nya ako para naman makapag-move on na kaming dalawa. Kahit may konting pagmamahal pa po kasi ako sa kanya ay hindi na healthy ang relasyon namin kaya di na okay ang magpatuloy pa kami."
Nakita ko ang pag-lambot ng ekspresyon ni Mang Julius na para bang nakiki-simpatya sya sa akin. Binitawan nya ang tasa bago ako tuluyang hinarap.
"Di ko alam ang buong istorya ninyo pero mas kakampihan kita." Natawa pa sya sa sinabi nya kaya naman natawa na rin ako.
"Ito ay suggestion lang naman, Ma'am para tigilan ka na nya. Ikaw na ang bahala kung gagawin mo o hindi." Sabi pa nya kaya naman sumeryoso ako at pinakinggan ng maayos ang sasabihin nya.
Magdamag kong pinag-isipan ang sinabi ni Mang Julius at may punto naman ang suhestyon nya. Yun nga lang ay hindi ko alam kung kaya ko ba itong gawin pero kapag naiisip ko na magagalit na nang tuluyan sa akin si Hades ay lumalakas ang loob ko.
"Ma'am. Ayan na sya." Aligagang sabi ni Macey na nasa may pintuan.
Mabilis naman akong kumilos at lumapit na kay Homer. Pinalupot na ni Homer ang braso nya sa may bewang ko kaya naman mas nag-lapit kami. Kinakabahan ako nang husto na halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko.
"Ako lang ang tignan mo, Ma'am. Mahahalata nyan tayo." Bulong ni Homer habang may malawak na ngiti. "Wag kang mailang. Wala naman itong malisya sa akin dahil may asawa ako na mahal ko." Dagdag pa nya kaya naman huminga ako nang malalim at tumango.
Pinatong ko na ang dalawa kong kamay sa may balikat nya at nag-kunwaring tumawa bago nya ako sinabayan. Kung may ibang makakakita sa amin ay mukha talaga kaming isang couple na naglalambingan.
Huling bala ko na ito kay Hades. Sabi ni Mang Julius ay siguradong maapakan daw ang ego ni Hades kapag nakita nya akong may kasamang ibang lalaki lalo na't kaka-break pa lang namin. Kahit alam kong masasaktan ko sya ay itutuloy ko pa rin ito para lubayan na nya ako.
Homer leaned closer which kinda taken me aback but I remained my facade until someone forcefully snatched me away from his hold. I groaned because of the tight grip on my upper arm so I looked to the owner of the hold.
BINABASA MO ANG
GREED | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionGreed is an inordinate or insatiable longing for material gain, be it food, money, status, or power. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammat...