04 - FOR NOTHING

220 3 0
                                    

Violette's POV

Tumayo na ako sa kinauupuan ko matapos kong manatili dito sa print media. Dumeretso na ako sa opisina habang dala-dala ang mga picture na ni-photoprint ko. As the days past, tuloy lang ako sa pagpopokus sa trabaho ko. Dun lang. By next week, naka-schedule na yung contract namin para sa beach wedding pictorial ng isang professional na hindi ko naman kilala.

We are professional photographer but I'm just known as Miss Purple. Paulit-ulit kong sinasabi na kahit ganun ay hindi ako tumatanggap ng sikat. Sapat na sakin yung chill lang na ganito.

Uminom ako ng kape at lumapit sa cubicle ni Caroline kung saan nandun din si Jude. Pinanood ko lang ang pag-eedit ni Caroline. Kapagkuwan ay yumuko na lang si Jude at hinawakan ang mouse na hawak ni Caroline. Natigilan ako.

“Try mo dito.” sabi ni Jude at ginalaw ang mouse.Diba, mas maganda?” tanong nito.

“O-Oo nga, 'no?” sabi naman ni Caroline.

Napangisi na lang ako habang nakatingin sa kanila. What's between these two? Hmm.

“Isa ka pang the best one, eh!” sabi ni Caroline at tumawa.

“Thanks for that compliment.” sagot naman ni Jude bago umayos ng tayo at tumingin sakin. “Tapos ka na sa print media?” he asked me.

Tumango-tango ako. “Yeah.” sabi ko at tinignan ang relo ko. “It's past 6 na. Dinner na tayo?” tanong ko sa kanila.

“That's even better!” sabi ni Caroline at tumayo na.

Natawa na lang kami parehas ni Jude. “I'll just get my wallet on my cubicle.” sabi ko at tinalikuran na nga sila.

Nagtungo na ako sa cubicle ko at pinatong dun ang kanina ko pang hawak na envelope tsaka inubos ang coffee. Kinuha ko sa gilid ang pouch ko bago sinundan ang dalawa na ngayon ay patungo na sa elevator. Marami naman kaming co-photographer pero since magkakaibigan na kami noon pa man, kami na talaga ang mga close sa isa't isa.

Sumakay na kami sa loob.

“Sana bumilis na yung araw. Sino kaya ang professional na yun, 'no? Bakit kailangan blangko pa ang pangalan?” kapagkuwan ay tanong ni Caroline.

Saming tatlo, siya talaga ang pinakamaingay.

“Baka surprise. Ayaw mo nun?” tanong naman ni Jude.

“Hmm. I'm just wondering. Di bale, isang linggo na lang naman eh.”

“Halos palagi na lang naman tayong kinukuha, hindi na nawala yang excite mo.”

“Siyempre! Lalo pa't kasama na natin si Miss Purple eh!” sabi ni Caroline sabay bunggo sa balikat ko.

Napailing na lang ako. “Kapag natapos ang photoshoot na yun, magreresign na ako at lilipat na sa company talaga namin.” sabi ko.

“Hala! Siraulo ka?!” halos pasigaw nang tanong sakin ni Caroline.

May pag-aari kaming kompanya pero dahil gusto ko ang photography ay nagtrabaho ako sa ibang company. My parents know that this is what I want and I'm thankful kasi ayos lang sa kanila. Pero sometimes, tumutulong pa rin naman ako especially, wala dito sa Pilipinas sila.

“Just kidding aside.” sabi ko at nagpeace sign.

Napangiwi na lang silang parehas. “Whatever.” sabay pa nilang sabi.

Napailing na ulit ako. Hindi ko mapigilan na makitaan yung ng something. Hays. Maya-maya pa ay tumigil na ang elevator at bumukas na ito. Lumabas na kami.

Forgotten Love (Love Series #5)Where stories live. Discover now