06 - AFFECTED

217 2 0
                                    

Violette's POV

Nahihirapan akong iproseso sa utak ko ang pangyayari ngayon. Paanong.. Paanong nangyari na kami? What does it mean?

Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanila kahit na nangingibabaw ang luha ko. Konti na lang ay pakiramdam ko, magpapatak na ulit ito. Pero hindi pwede. Ayoko.

‘Please, tears. Huwag kang babagsak..’

Sobra akong nahihirapan. Yung puso ko, sobrang dinudurog. Akala ko kahit papaano magiging peaceful ang pagpunta rito pero mukhang hindi dahil sila mismo ang kumuha samin...

“Actually, we were looking for the best photographer. Then I suddenly heard the name Miss Purple.” Atticus said as he looked at me. “It's you, right? Violette Pastrach?” tanong niya.

He talks like nothing happened to us before. Bakit ganun? Bakit ganito si Atticus? He should be shock, right? Kasi ito yung dalawang beses na nagkita kami pero.. kinuha pa niya kaming photographer. Hindi ko bigla maintindihan. O sadyang.. wala ng halaga sa kaniya ang relasyon namin noon. Ang sakit naman talaga. Sabagay, magtatatlong taon na ang nakakalipas eh, na maging sila daw...

“Violette..”

Napalingon na lang ako kay Caroline nang tawagin niya ako. Marahan niya akong tinaasan ng kilay na parang nag-aalala o nagtatanong...

“Wait nga... Naguguluhan ako, Atticus.” bigla namang sabi ni Jude kaya napatingin ako sa kaniya. “I know this isn't right to ask. I'm sorry, Maisie, kung tatanungin ko si Atticus nito, ha? Pero Atticus, anong nangyari sayo at naging ganito? I thought si Violette---”

“Hey.” pagputol ko sa kaniya.

“What?”Jude asked.

Umiling ako sa kaniya at malalim na lang na huminga. Tinignan ko ang nag-aalalang mukha nila ni Caroline. Matapos yun ay tinignan ko naman sina Atticus at Maisie. Sobrang nasasaktan ako. Sigurado namang hindi nila alam na nagpunta ako noon dito para sana sa 7th anniversary namin. Iisipin nilang nalaman ko sa media pero wala silang paki...

‘When will I hear his explanation? Their explanation?’

Napalunok na lang ako bago magsalita. “C-Congrats to the both of you..” hindi ko napigilan ang pait sa boses ko. “And I'm sorry but we can't be your photographer. I'm a private person. I don't accept professionals.” I said also.

Kita ko namang natigilan sila.

“What? Pero nandito na kayo? Bakit ngayon pa kayo umatras?” prangkang tanong ni Maisie.

‘Seriously.. hindi nila alam yung nararamdaman ko ngayon..’

“You can't back out. I already pay your job.” seryoso namang sabi ni Atticus.

“That's right.” sang-ayon naman ni Maisie.

Fuck! Medyo napaawang ang labi ko at marahas na huminga. Tumingin ako sa kawalan at hindi naiwasan ang pagtitiim bagang ko. In some way, I don't get it... Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan sila... This is so damn.

“Uhm... Atticus, hindi naman kasi namin alam na kayo pala yun dahil unang-una, walang pangalan na nakalagay sa contract. Mas mabuti muna sigurong pag-usapan namin itong tatlo, diba?” mahinahon na sabi ni Caroline.

Natiim ko na lamang ang labi ko. Pasimple ko ding nakuyom ang kamao ko. Konti na lang ay iiyak na ako. Putangina ito. Sobrang sakit talaga. Nahihirapan na ako.

“Fine, pag-usapan niyo pero please.. sana huwag kayong umatras. Nandito na kayo eh. I really want my wedding pictorial to be look perfect...” Maisie said.

Forgotten Love (Love Series #5)Where stories live. Discover now