05 - NOT NOW

210 2 0
                                    

Violette's POV

Yakap agad ni Caroline ang sumalubong sakin nang kinabukasan na pumasok ako. Napalunok na lang ako at hindi nagawang suklian yun. Nang kumalas siya ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Puno ng pag-aalala ang mata nila ni Jude.

What did I do last night?

Of course, I cried a lot. I released all the pain I felt. Pero nalabas ko na nga, meron pa rin. Buong magdamag lang akong umiyak ng umiyak ng umiyak at hindi alam ang gagawin. Sobrang sakit. Animo'y pinapatay ka. Sa totoo lang mas masahol pa ito sa paghihirap na naranasan ko sa loob ng limang taon...

Yung taong akala ko ay magiging gamot sa paghihirap ko ng ganung katagal, isa rin palang magpapahirap sakin. Walang sinabi ang paghihirap ko noon kasi si Atticus ang pahinga at gamot ko pero.. isa din siyang dinurog ako.

“Violette... S-Sobrang pugto ng mata mo... Damn it.” parang nanghihina na sabi ni Caroline.

“We're just here, Violette. Hindi mo kailangan na sarilihin yan.” sabi naman ni Jude.

Nakagat ko na lamang ang labi ko nang sandaling mangibabaw ulit ang luha ko at napatungo. Malalim akong huminga at umiling-iling na binalik muli ang tingin sa kanila.

“Walang sinabi ang paghihirap ko sa loob ng limang taon sa sakit na dinulot sakin ni Atticus.” sabi ko at mapait na ngumiti. “I want to release all the pain. All. Hindi sapat ang kagabi.” sabi ko.

“We're just here, Violette...” sabi ni Caroline.

“Thank you for being here for me. Thank you so much.” I said.

Hindi ko pa muna naumpisahan ang trabaho ko ngayong araw kahit na nandito ako. Ang dalawang kaibigan ko ay nasa tabi ko. Hindi nila ako iniiwan at nagpapasalamat ako. Nandito kami sa rooftop, nakaupo at walang imik. Katahimikan ang nakapaloob sakin. Hawak-hawak ko ang Starbucks coffee ko at nakatitig lang doon.

Marahan na lang akong huminga at nagpasyang magsalita. “Saan ngang beach yung gaganaping pictorial?” I asked.

“Ah... Kami ng bahala dun, Violette. Huwag mo ng problemahin yun.” sagot ni Caroline.

Natiim ko na lamang ang labi ko bago tumunghay. Tinignan ko silang dalawa ni Jude.

“I want to leave.” I said.

Bigla naman silang natigilan dahil dun. At this point, that's the only one I want. I want to leave. Gusto kong makalayo. Bumalik na lang kaya ako sa ibang bansa at dun na lamang mas ipokus ang sarili ko? Pilit ko na lang lilimutin ang lahat.

“Violette, you can't do that. Yang sakit na nararamdaman mo, dala-dala mo yan kahit umalis ka.” nadidismayang sabi sakin ni Caroline.

Mapait na lang akong ngumiti. “I know and I will endure it.” I said.

Umiling sakin si Jude. “I know you're doing this because you don't wanna see Atticus. Pero, matatahimik ba yang isipan mo kung sakaling umalis ka?” tanong ni Jude.

Natahimik naman ako dun at hindi makaimik. Napalunok na lang ako at napatungo ulit. There's a lot of questions I want to ask really. Gusto ko ng kasagutan sa lahat.

Narinig ko ang marahas na paghinga niya. “Kahit naman kami ni Caroline ay ayaw naming makita mo pa siya. Pero the best thing to do is to talk to him, Violette. Ask him why or how or whatever.” sabi pa niya.

Binaba ko ang kape ko sa semento at matapos yun ay niyakap ko ang dalawang binti ko. Tinuon ko ang baba ko sa tuhod ko at tumingin na lamang sa kawalan.

Forgotten Love (Love Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن