24 - I'M READY TO FORGET YOU

311 6 0
                                    

Violette's POV

Pinagliligpit ko ang gamit ko dito sa opisinang kinaroroonan namin ni Caroline at Jude. I'm planning to leave this company at bumalik na lamang sa ibang bansa kung saan doon naman dapat talaga ako nakatira. Pero hindi pa ngayon. Nililigpit ko lang kasi tapos na ako magtrabaho. Hatinggabi na rin. Nag-over time kaming tatlo.

“I still can't get over about sa nangyari sa beach house---”

“Don't open that topic anymore, Carol.” agad na nagputol sa kaniya ni Jude.

Bahagya lang akong natigilan dahil dun. I suddenly looked at my computer na nakabukas pa rin. I'm not into social media pero ngayon ay kitang-kita ko ang mga nagpapop-up sa notification and messages ko. Because of that kiss, I became trending and criticize by those people.

Natiim ko na lamang ang labi ko at napagpasyahan na i-off na yun. Ayoko ng magpaapekto pa dun. Matapos yun ay sinukbit ko na ang shoulder bag ko at humarap sa kanila.

“I'll gonna go now.” I said to them.

“T-Teka, hindi ka sasabay samin?” tanong ni Caroline.

Umiling ako. “Hindi. Bye sa inyo. Ingat sakin.”

‘..at sa puso kong sugatan hanggang ngayon.’

Alam kong may sasabihin pa sila pero hindi ko na hinintay pa yun dahil naglakad na ako palabas. Sumakay na ako ng elevator mag-isa at pinindot ang first floor. Marahan na lamang akong napahinga.

Lumipas ang mga ilang segundo bago yun tumigil at lumabas na ako. Pero bigla na lamang akong napaatras nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Unti-unti na lamang na nanlaki ang mata ko.

“A-Atticus...” halos pabulong ko nang banggit sa pangalan niya.

Seryoso niya akong tinignan. Napalunok na lamang ako.

‘Damn. Don't act like this anymore, Violette.’

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. “What are you doing here at this hour?” I asked.

“I'm waiting for you...” he answered.

Natiim ko na lamang ang labi ko. “Hindi ka na dapat nag-abala pa. Excuse me.” sabi ko at nilampasan na siya.

“Wait.” sabi niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil dun pero hindi ko siya nilingon. Ayoko ng makita pa ang pagmumukha ni Atticus. Ayoko ng lumuha pa sa tuwing makikita ko ang mukha niya. Naaalala ko lang lahat at hindi nababawasan ang sakit nun kahit isa.

“Let's talk, Violette. Please...” masuyo niyang sabi.

Malalim na lamang akong napahinga. “W-Wala naman tayong dapat pag-usapan. Aalis na ako---”

“Please... Ayusin natin ito.” sabi niya at lumakad papunta sa harapan ko.

Iniwas ko na lamang ang tingin sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang nagsusumamong tingin niya sakin. Ayokong tignan yun. Ayokong madagdagan pa yung sakit na meron ako sa puso ko.

“A-Anong kailangan kong gawin, Violette? Ano ang pwede kong gawin?” tanong niya.

Nakagat ko na lamang ang labi ko. Kahit ayokong lingunin siya ay hindi ko pa rin mapigilan. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili ko o sa kaniya. Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon ngayon.

“Bakit nagpakita ka pa sakin dito? Bakit ka nagpunta dito? Hindi ba obvious na.. ayaw kong makita ka pa... Hindi pa ba sapat yung huling usap natin sa resort?” tanong ko sa kaniya.

Forgotten Love (Love Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon