27 - FOLLOW YOUR HEART

252 6 0
                                    

Maisie's POV

“Oh my gosh, Atticus! Anak!”

Agad na lamang napuno ng pag-aalala ang mukha ni tita Astrid nang makapasok kami ni Atticus dito sa mansion. Nakaakbay siya sakin dahil inaalalayan ko siya. Basang-basa ang buong katawan niya dahil sa lakas ng ulan. Sobra akong nag-alala at buti na lang talaga ay dun ako napadaan. Nandito na kami sa mansyon but he's still shaking. Para siyang lasing.

‘Damn it. For the person you really love, you're willing to die.’

“Tita, h-he might get sick.” sabi ko.

“Yes, yes. Come here, my son.” nag-aalalang sabi ni tita.

Napatingin na lamang ako kay Atticus nang kuhanin siya ni tita sa pagkakaalalay ko. Nakatungo siya. Nakamulat ang dalawang mata kaya naman kita dun ang sakit sa mata niya. Namumula ito at halatang umiyak siya.

‘Atticus..’

Tumingin sakin si tita matapos niyang kuhanin si Atticus. “Maisie, sobrang lakas ng ulan sa labas. Stay here, okay? Basa ka na rin. I'll tell to the maids to prepare your clothes..” tita Astrid said to me.

Ilang segundo bago ko namalayan ang sariling tumango na lamang. Matapos yun ay tumalikod na sila at inalalayan si Atticus. Napatitig na lang ako sa postura niya. Hinang-hina ang katawan niya.

‘Gosh, Atticus... Ilang beses mo na itong ginagawa?’

Natiim ko na lamang ang labi ko. Ang plano ko ay hindi mag-stay dito at ihatid lang siya pero ito nga't nababalot ako ng pag-aalala at gustong makita siya.

“I don't know exactly what's happening. Pero alam kong dahil kay Violette ito... Maaga siyang aalis dito sa mansyon hindi para pumasok sa kompanya kundi para pumunta kay Violette at babalik siya, hatinggabi na. Na magulo...” pagkikwento sakin ni tita.

Parang may kumirot sa puso ko sa sandaling yun pero pilit kong hindi pinahalata kay tita. Napaiwas na lamang ako ng tingin. He really loves Violette. Hindi ako. Hindi magiging ako kahit kailan.

“Maisie.. I know you're hurt right now. Hindi mo kailangan itago sakin..” tita said after a couple of seconds.

Dahil dun ay napatingin ako sa kaniya. “S-Sorry po, hindi ko lang mapigilan.” I apologized.

“You don't have to be sorry. But I'm sorry for what my son did to you... Hindi ko alam kung paano---”

“Tita...” marahan na pagputol ko sa kaniya. “N-Nangyari na po at hindi niyo kailangan magsorry. I.. u-understand Atticus.” pigil na huwag mautal sa pagsasalita ko.

Napabuntong hininga na lamang si tita at nag-iwas sakin ng tingin. Kapagkuwan ay may lumapit saming maid dito sa sofa habang may dala ng tray ng pagkain.

“Ma'am, ito na po ang pagkain ni Sir Atticus.” she said.

“Salamat. Ako na ang bahala sa anak ko.” sagot naman ni tita Astrid.

Tumingin muli ako kay tita matapos yun. “Tita, if you won't mind, ako na lang po ang magpapakain kay Atticus. Hatinggabi na rin at kailangan niyo ng magpahinga.” sabi ko.

“Are you sure, hija? You need to rest, too.”

“I will po, kapag napakain ko na si Atticus.”

Napabuntong hininga na lang ulit si tita. “Okay, hija...”

Tipid na lamang akong ngumiti at matapos yun ay tumayo na ako. Kinuha ko ang tray ng pagkain ni Atticus at binuhat yun. Matapos yun ay nagtungo na ako sa hagdan at umakyat patungo sa kwarto ni Atticus.

Forgotten Love (Love Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon