28 - REALIZED

263 6 0
                                    

Atticus Cale's POV

Nakasandal lamang ako sa headboard ng kama ko habang mariin na nakapikit ang mata. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko at ang hilo ko. Pero wala ito sa sakit na nararamdaman ko sa puso. The only one can cure this.. is Violette. Gusto kong nandito siya. Kung pwede lang. Hinihiling ko na sana nandito siya at mag-aalaga sakin.

‘I miss you so much, baby. I miss your care. I miss your love. Everything about you, I miss you. Please, comeback to me..’

Kahit ano gagawin ko pa rin para sa kaniya. Kahit na habang patagal ng patagal, sobrang sumasakit na. I just want her back. She loves me... Kung kailangan mamatay muna ako para bumalik siya, edi mamatay ako.

I just wanna make things right... Itatama ko ang lahat, bumalik lang siya sakin. Babawi ako gaya ng palagi kong sinasabi.

“Atticus...”

Nananatiling nakapikit na lamang ako ng mata kahit narinig ang boses na yun ng ina ko. I know they're worried about me.

Son, don't be like this... Please, sundin mo naman si Mommy. You should eat... Take your medicine para gumaling ka na...” malumamay na sabi ni Mom.

Pero umiling lang ako habang nananatiling nakapikit ang mata. I want Violette. Makikinig lang ako kapag nandito na si Violette. Kung wala, edi wala...

Kapagkuwan ay naramdaman ko na lang ang pag-upo ni Mom sa kama ko at hinawakan na lang bigla ang magkabilang pisngi ko. “You're 25 years old yet you still look like 20 years old, our Prince.” sabi ni Mommy sakin.

Dun ay nagmulat ako at napatungo. “Mom, I know what you're pertaining to.” medyo napapaos na sabi ko.

Konti naman siyang natawa. Am I that childish at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang bagay na yun? Why is that? I just love Violette and I still want her. I always say I want to make things right. Is that sounds childish? Yes, I'm being childish.

“Son, don't force everything. Learn to wait...” sabi niya sakin.

“Am I not that matured enough, Mom?” I asked.

“It's not that, son. You're still young. Kayo ni Violette. Maybe this isn't the right time for the both of you especially, maraming nangyari. Anak, naiintindihan ko si Violette. Learn to understand her too...” mahinahon na sabi sakin ni Mom.

“Mom, I understand her but I'm afraid she might really forget me... No way. I don't want it..” sabi ko at napailing na lamang.

Bumagsak na lamang din ang butil ng luha ko pero hindi ko pinunasan yun. Ayokong dumating yung araw na masasabi ko sa kaniya sa isipan ko ang bagay na ito.

‘I was getting kinda used to be in someone you loved...’

No. I can't... I can't bear that. I love her. I really love her. Natatakot talaga akong kalimutan na niya ako at sa ganitong paraan nga ay inuumpisahan na niya sa pambabalewala sakin.

“The right time is always there. If it's not now, then wait for it. Hindi minamadali lahat ng bagay, Atticus. Hinihintay ito.” pagpapaintindi ni Mom sakin sakin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sandaling ito. Napailing na lamang ako.

“Paano kung hindi na dumating ang araw na yun para samin, Mom?” tanong ko.

“Dadating yun... Kung kayo talaga, anak.” sagot niya sakin. “Sa ginagawa mong ito ngayon, sabihin mo man o hindi sakin, nakikita ko. Anak, you're not fixing yourself. Hindi mo ba napapansin yun? You have to fix yourself if you want to make things right for the both of you.” sabi pa niya.

Forgotten Love (Love Series #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin