Prologue

1.9K 57 0
                                    

Binabagtas ko ang madilim na kakahuyan mula sa likod ng mansiyon ni alex kung saan ako dumaan para tumakas.  Sobrang nanginginig ang tuhod ko sa takot na baka maabutan ako ng kanyang mga tauhan na nakasunod lang saakin habang hinahabol ako dahil sigurado muli niya akong ikukulong sa mansiyon.

Ngunit sa kabila ng takot ko ay wala akong ibang pwedeng asahan kundi ang sarili ko.

Ayaw ko na muling maranasan ang kalbaryno at bangungot na sinapit ko bilang isang bihag ng isang Alexander Meneses.

Ginamit ko ang lahat ng lakas na natira sa katawan ko para tumakas mula sa mga humahabol saakin, sugat sugat na ang katawan ko, at sobrang dami ng pasang namuo sa ibat ibang parte ng munti kong katawan.

Wala paring hapas ang pag daloy ng mga luha ko sa aking mga mata habang hinang hina na sa pagtakbo sa napakadilim na kagubatan upang maisalba ang aking sarili ng madapa ako dahil nakaramdam ako ng ibayong sakit mula sa aking paa dahil sa pagkakatusok ng kung anong bagay, dahilan para mapasigaw at gumulong ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Narinig kong papalapit na ang mga tauhan ni alex sa aking kinaroroonan mula sa dikalayuan at hindi ito ang tamang oras para tumigil at sumuko kaya pinilit kong bumangon at muling magpatuloy kahit hindi ko maiapak ng maayos ang kaliwa kong paa at paminsan minsan ay bigla akong nabubuwal mula sa aking pag lakad takbo ngunit sa isip ko hanggang may natitira pa akong  hininga sa aking katawan hinding hindi ako susuko. Pinahid ko ang luha na dumaloy sa aking mukha at muling nagpatuloy.

Labis na akong nanghihina at nararamdaman ko nang sobrang lapit na sa akin ng mga tauhan ni alex.

Kahit anong gawin ko ngayon ay mas mabilis sa akin ang kanyang mga tauhan lalo pat dispalyado ang isa kong paa. Hindi ko matanggap ang kalagayan ko ngayon dahil alam kong pag nahuli ako ni alex ay sobrang pahirap ang mga gagawin niya saakin. Hanggang sa wala na akong matakbuhan, bangin na ang nasa aking harapan, napaligiran na din ako ng mga tao ni alex, wala na akong takas, wala na akong matakbuhan.

Bakit ba ganito ang naging buhay ko? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Bakit ganito ang kapalaran ko? Hindi ko mapigilang sisihin ang ang diyos sa lahat ng pahirap na aking naranasan dahil kung talagang nag eexist siya bakit niya ako pinabayaan?

Tila wala ng natitirang lakas pa sa aking katawan, tila hindi ko na kayang lumaban. Napaluhod ako sa harap ng bangin, hanggang dito nalang siguro ako. Tuluyang dumaloy ang masagana kong luha sa aking mukha, basang basa na din ang damit ko sa pinaghalong luha at pawis at pati na rin mga dugo mula sa mga galos ko habang tumatakas.

Papalapit na saakin ang mga tauhan ni alex habang dahan dahan akong umuusog papalapit sa bangin. Mas pipiliin ko nalang mamatay kaysa muli akong mapasakamay niya. Ayaw ko na din mabuhay kung ganito rin lang ang buhay na tatahakin ko, hindi ko kaya.

"Halika na, bumalik ka na, wala ka ng tatakasan. Pa'pangako hindi na kita sasaktan bumalik ka lang saakin. Mahal na mahal kita. Please!" wika ni Alex ng makita niya ako na akmang tatalon sa bangin.

Napa ismid ako sa sinabi niya, ayaw ko na siyang paniwalaan pa, gasgas na din saakin ang mga salitang yan, kahit patuloy ang pag daloy ng aking mga luha ay nagawa kong matawa sa mga narinig ko, sumilay ang mapait na ngiti sa aking mga labi tiningnan ko ang katawan ko sa huling pagkakataon ang laki ng ipinayat ko, napakarami kong galos sa katawan, punit punit na ang damit ko, may pasa mula sa ibat ibang parte ng katawan ko, hinawakan ko ang putok kong mga labi maging ang aking mga paa na walang sapin na balot ng putik at dugo dahil sa aking pagtakas.

Tiningnan ko si Alex sa huling pagkakataon, puno ng pag aalala ang kanyang mukha, maraming beses ko ng nakita yan hindi na bago.

"wag kang lalapit" wika ko sa kanya ng akma siyang lalapit saakin, kalahati nalang ng paa ko ang naka apak  sa pilapil at mahuhulog na ako.

"Please, wag mong gagawin yan, pangako magbabago na ako" umiling ako sa winika niya, hindi ko na siya kayang paniwalaan pa.

"Paalam Alex" wika ko sa kanya at sa huling pagkakataon ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago ako tuluyang tumalon sa bangin, naging mabuti naman siya saakin sa ilang mga pagkakataon at bagay, minahal ko din siya sa puso ko ng lubusan pero may hangganan siguro talaga ang lahat.

Mga huling bagay na tumakbo sa isip ko bago naging madilim ang lahat. Oras na siguro para makasama ko ang aking mga magulang.

--------------------------~~¤~~------------------------


Save me From the BillionaireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora