Chapter 6

527 30 10
                                    

"Alam mo sir, mula noong nakilala ka ni Master Alexander mas madalas na siyang ngumiti, at hindi na siya nag dadala ng ibat ibang babae sa mansiyon, salamat at napa bago mo ang master namin." wika ng driver out of nowhere. Hindi nalang ako umimik at binksan ang bintana at doon iginugol ang atensiyon ko.

"Ako nga po pala si jhay, kuya jhay nalang ang itawag niyo saakin para hindi masyadong nakakatanda hahahaha." pag papatuloy niya at tumahimik sandali dahil ramdam niya yata na hindi ko siya pinapansin at wala ako sa mood para pag usapan sila ng kanyang amo. Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin at ibinaling pabalik ang tingin sa labas ng bintana.

"Pag pasensiyahan niyo na po ang master ko kung ano man ang nagawa niya, mabait naman po iyon. May mga pagkakataon lang talaga na kapag gusto niya, kailangan makuha niya. Alam ko 'yon kasi maliit na bata palang ang master sa kanila na ako nag tatrabaho hanggang sa maulila siya ng maaga ng mamatay ang mga magulang niya dahil sa plane crash nung kinse anyos siya, pero ang lubos na nakaka hanga sa kanya eh napaka talinong bata niyan, dahil sa edad niyang kinse anyos siya na ang nag patuloy sa pagpapa takbo ng kumpanya nila at mas napa lago niya hanggang sa ngayon na isa na siya sa pinaka mayamang negosyante sa bansa." 

"Pasensiya na po pero hindi ko po nakikita ang mga katangian na sinasabi niyo sa kanya"  tipid kong sagot kay kuya jhay,

"Bigyan mo lang siya ng pagkaka taon at makikita mo na mabuting tao naman siya."  Dugtong pa ni kuya jhay.

Hindi na ako nakipag talo pa o sagot sa kanya, bagkus ay ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana at nag isip kung pano ko pag hahandaan ang mga susunod n araw sa buhay ko na kasama sa iisang bahay ang demonyong si Alexander.

Sobra isang oras din ang binyahe namin para maka rating sa bahay ni Alexander. Malayo ito sa mga kabahayan, sa labas palang ng gate ay makikita mo na ang napaka lakimg bahay..... Mali mansiyon pala ito, kahit gabi na ay napaka liwanag ng buong lugar. Tila may handaan na nagaganap.

Automatic na nag bukas ang gate at mula sa gate ay may distansiya pa ang kina tatayuan ng mansiyon kaya ng maka lapit kami ay saka ko nga nakumpirma na may handaan ngang nagaganap. Naka bukas ang lahat ng ilaw, mahing ang buong hardin ay napaka liwanag. Naka pila ang lahat ng kasambahay ayon sa departamento ng kanilang katungkulan.

Pinag buksan ako ng pintuan ng kuya jhay, at pag labas ko doon ko nakita sa Alexander n naka tayo sa pinto ng bahay, naka ngiti at bihis na bihis.

"Welcome home, Master Carlo" bati ng mga  tagapag silbi. Tulong tulong sila na nag buhat ng mga gamit ko papasok mg bahay.at ang iba naman ay inayos ang buffet na naka handa sa hardin. Napaka init ng kanilang pag tanggap saakin, naka ngiti ang lahat ng tagapag silbi saakin. 

Ng papasok na ako ng pinto ay lumapit saakin si Alexander. "Welcome home, baby" 

Hindi ko lang siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag sunod sa mga taong may bitbit ng mga gamit ko patungo sa kwarto na tutuluyan ko.

Ng maka pasok ako ng pinto ay bumungad saakin ang napaka lawak sa living room, kabuuan na yata ito ng bahay namin kasama pa ang buong bakuran sa sobrang pagka mangha ko ay hindi ko na namalayan na huminto na pala ako sa pag lalakad at naka lapit na si Alexander saakin. Nakumpirma ko yon ng may yumakap sa bandang bewang ko at bumulong sa aking tenga "ito ang magiging love nest natin baby, pag may kailangan ka marami kang pwedeng utusan para hindi ka na mapagod. Lahat ng kailangan mo nandito na sa loob ng baha..." Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita ng sikuhon ko siya dahil naasiwa ako sa ginagawa niya. Tila hindi manlang siya nahihiya na ilag tumingin ang mga kasambahay sa bandang kuna tatayuan namin dahil sa pinag gagagawa niya.

Save me From the BillionaireWhere stories live. Discover now