Chapter 5

722 29 10
                                    


Nagising ako sa aking kama, maayos ang aking pagkaka higa at may damit na na suot. Wait!....ibig sabihin binihisan niya ako?

Bigla akong kinabahan dahil baka inulit nanaman niya saakin yung ginawa niya noon kaya kinapa ko ang aking likuran ngunit hindi naman masakit maliban sa katawan kong nabugbog dahil sa pananakit niya saakin bago ako mawalan ng malay.

Madilim pa ang paligid sa labas, nakita ko ang cellphone ko mula sa side table kinuha ko ito at tiningnan kung anong oras na, 02:56 AM palang.

Bumukas ang pinto at pumasok si Alexander na may dalang mga pagkain.

Napa urong ako sa aking higaan at nagsimula nanamang dagain ng kaba ang aking dibdib dahil sa takot.

Dahan dahan niyang inilapag ang pagkain sa side table at dahan dahang umupo sa aking kama.

Hindi parin siya umiimik at bakas parin sa aking mukha ang kaba at pag tataka sa kaniyang kinikilos.

"B-bakit nandito ka pa? Umalis ka na!"  pag tataboy ko sa kanya, pero hindi parin siya umimik bagkos ay kinuha niya ang pagkain sa lamesa at ihinarap inilapit saakin.

"Kumain ka na muna" tanging salita na lumabas sa bibig niya, ramdam ko nga ang kalam sa aking sikmura dahil sa sobrang busy sa trabaho ay hindi na nga ako naka kain kanina bago umuwi, pero ayaw kong tanggapin dahil masama ang loob ko at galit ako sa kanya kaya, debale nang magutuman.

Hindi parin ko humagalaw mula sa pagkaka upo ko sa aking kama. Naka titig ako sa sahig dahil ayaw ko siyang kausapin at ayaw ko siyang makita ng bigla nalang.

"Burrffff.... " bwisit na tiyan to. Tinatraydor ako. Pano naman kasi... Ang sarap ng pagkain na naka hain beef tapa, may sunny side na egg, may fried chicken at java rice pa. Saan niya kaya to binili? Nag luto kaya siya? Napa tingin nalang ako sa kanya na naka upo rin sa di kalayuan saakin sa kama na nag pipigil ng ngiti kaya inirapan ko siya.

"Hindi ko 'yan kakainin." mahina at matigas kong bigkas sabay tingin sa malayo. Ang hirap talaga kalaban tiyan at hindi ko alam kung hanggang kelan ko to kakayaning tiisin lalo nat may temptation sa hinain ang demonyo sa tabi ko. Napapa sulyap nalang ako sa mga pagkain at saka titingin sa malayo.

"You're so cute..... kaya gustong gusto kita eh. Sige ganito nalang aalis na ako dahil alam ko namang hindi ka kakain hanggat nandito ako sa harap mo, basta inumin mo tong mga gamot na ito.  Para ito sa kirot at ito naman antibiotic para di mamaga ang mga galos mo.    I'm so s'sorry.."  wika niya saka siya lumapit saakin dahan dahan at huli na para mapigilan ko siya dahil nahalikan na niya ako sa aking kanang pisngi saka siya dali daling lumabas ng pinto at sinara ito.

Naiwan akong tulala sa aking kina uupuan,  hawak hawak ang aking pusngi kung saan niya ako hinalikan.  Para akong nabingi sa bilis at lakas ng pag tibok ng aking puso, ramdam ko din ng pag iinit ng aking mukha. Ano iyon?.

Matagal akong naiwan sa ganoong sitwasyon, para akong naging bato ng dahil sa kinasusuklaman kong lalake.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, litong lito ako.

Matapos kong matulala ay muli ko nanamang naramdaman ang tiyan kong kumakalam. Kinuha ko agad iyon at saka nilantakan, ang sarap, ngayon lang uli ako naka kain ng ganitong pagkain dahil for the past months ay todo tipid ako sa pag gastos. Minsan nga ay itlog lang ang ulam ko, o kaya minsan tuyo or lucky me lang sapat na. Wala kasi akong source of income noon at kailangan kong pagkasyahin ang kaunting halagang meron ako para makapag survive.

Out of nowhere ng kakagat na ako sa fried chicken ay biglang lumitaw ang imahe ni alexander sa kanyang kinauupuan kanina at naka silay ang kanyang pigil na matatamis na ngiti.  "Ang gwapo niya. Ang perfect ng mukha niya, napaka flawless ng balat niya, yung adams apple niya nakaka..." Halaaaaa..... Ano yun? Erase... Erase... Erase....  Niyug yog ko ang ulo ko para matigil na sa naiisip ko. This is not right, chineck ko ang pagkain ko at inamoy baka may nilagay siyang gayuma, pero lalo lang akong natakam dahil sa bango at sarap nito kaya nagpatuloy akong muli sa pagkain.

Save me From the BillionaireWhere stories live. Discover now