Chapter 3

632 42 2
                                    

Natapos ang buong araw ng lunes ay wala akong nahanap na trabaho. Walang tumanggap saakin. Nandito ako ngayon sa garden ng school dahil lunch break ko at wala naman kaming next prof para sa next subject kaya mahaba haba ang vacant time namin.

Naka pangalumbaba ako habang naka upo sa isa sa mga bench, iniisip kung saan ako makaka hanap ng trabaho.

"Nako wala po kaming barya diyan, barya lang po sa umaga hahahahha" walang ano anoy sumipot si gerald mula sa aking likuran. Si gerald ang kaisa isang taong buntot ng buntot saakin kahit anong gawin kong pag tulak sa kanya, di ko nga alam sa taong ito kung bakit sa dami naman ng cool na tao sa school namin ay ako pa ang napili na kaibiganin at sundan palagi.

"Ano nanaman ang kailangan mo?" masungit kong tanong sa kanya?

"ano ba yan! Kakarating ko lang nag sawa ka na agad saken? Grabe ka na ah!"  nako kunwari nag tatampo pa si kolokoy sa totoo lang ang pangit niyang umarte.

"Tigilan mo nga ako! Ang pangit mo gumanap!" bumalik ako sa pangangalumbaba.

"Ano ba kasi yang problema na yan? Gusto mo doon na ako sa bahay niyo umuwi para may kasama ka lagi?" aba at tinaas babaan pa ako ng kilay, tinawanan ko nalang siya ng tipid at tahimik saka kunwari ay kakaltukan siya.

"Dami mong alam, wala.... nag hahanap kasi ako ng trabaho pero walang gustong tumanggap saakin eh." malungkot kong wika sa kanya.

"ahh yun lang ba? May restaurant ang pamilya namin baka gusto mo, pwede ko ng ipa reserve ang slot mo sa manager namain para sure na may work ka na, ano gusto mo ba?" Confident niyang sagot.

"Wow, ang resourcefull naman pala!" pabiro kong pang aalaska sa kanya.

"well, hindi naman sa pag mamayabang pero may kaya naman ang pamilya ko, kaya pag may kailangan ka sabihan mo lang ako, tsk basta ikaw malakas ka sakin."

"Haay... Pero salamat talaga gerald, malaking bagay iyon para sakin, alam mo naman wala na akong ibang malapitan ngayon, i need to live on my own now." malungkot kong wika sa kanya.

"it's okay, what are friends are for kung wala manlang akong magawa para sayo diba? Oo nga pala buti naka bayad ka na ng tuition fee, kanino ka naka hiram? Baka nangutang ka sa bumbay ah! Dapat saakin nalang may ipon naman ako pwede ko namang ipahiram sayo yon, kahit wala ng tubo."

"Salamat talaga gerald, pero wag mo na alalahanin yon, nagawan ko na ng paraan, at hindi ako nangutang kaya wag ka mag alala. No more questions about it. Okay?"

"okay, sabi mo eh.  Basta pag may kailangan ka mag sabi ka lang i'll be one click away" kahit makulit tong ai gerald nag papasalamat parin ako sa diyos kasi binigyan niya ako ng kaibigan na ganito, yung hindi ka iiwan kahit na hopeless ka na. Nginitian ko nalamang siya, ngiting kahit walang binibigkas na salita ay may pag papasalamat.

Then he smiled back at me and he tapped my shoulders comforting me.

Kinabukasan ay nag report ako sa restuarant ng pamilya ni gerald. Naging smooth naman ang pag tanggap saakin ng mga kapwa empleyado, mabait din ang manager maging ang mga magulang niya ay nandoon din.

Nag tataka nga ako kung bakit nandoon ang mga magulang niya samantalang may manager naman sila, ang sagot niya lang saakin ay "Hands on" daw ang mga magulang niya sa business. Hindi nalamang ako nakipag talo pa dahil naguguluhan talaga ako dahil bakit may manager kung hands on sila?. 

Nakilala ko ang mga magulang niya, sina Mrs. Amado.

Anyway ang daming pagkain na pinaluto ang mga magulang niya bilang pag tanggap daw saakin bilang bagong empleyado nila.

Save me From the BillionaireWhere stories live. Discover now