Chapter 1

1.1K 58 0
                                    

Carlo's POV.

"Okay class, you still have 2 weeks to review before our finals exam, make sure na prepared kayo sa magiging exam kung kailangan niyong mag groyp study then gawin niyo para sigurado na makapasa ang lahat. And of course you have to make sure that you paid the tuition fee para makapag take kayo ng exam. That would be all class dismiss." wika ni Ms. Santos bago lumabas ng classroom.

Naglabasan na ang lahat ng classmate ko, tanging ako nalang ang naiwan. Naka tulala lang ako sa white board halo halo na ang mga iniisip ko. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko, hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pangbayad para sa tution fee ko dahil wala na akong pera, kakamatay lamg ng parents ko wala pang isang buwan at wala naring pera sa bangko dahil ipinambayad sa mga naiwang utang nila daddy at mommy at ang iba ay ipinang dagdag sa gastusin sa kanilang burol, nagawa ko pang makapag benta ng ilang gamit sa bahay para lang ipang dagdag sa gastusin sa kanilang burol dahil kinulang ang perang naiwan nila.

Pumatak ang luha sa kaliwa kong mata, kung hindi lang sana bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila mom at dad papuntang europe hindi ko sana mararanasan ang ganito, wala narin akong kilalang kamaganak dahil solong anak lang ang mga magulang ko at wala nadin ang mga lolot lola ko.

Mabuti nalang at may natira pa sa abuloy nung burol nila para magamit ko sa pang araw araw na gastusin, pero hindi ko alam sa mga susunod na araw kung paano ako mag susurvive. Napahilamos nalang ang dalawang kamay ko sa aking mukha sa sobrang depresion na pinag dadaanan ko.

Inipon ko na ang mga gamit ko sa bag at tulalang nag lakad palabas ng school.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta sinundan ko lang ang kalsada bahala na kung saan ako mapadpad.

Dumaan ang alas otso, alas nuwebe, alas dityes, alas onse tuloy lang ako sa pag lalakad hindi ko ramdam ang sakit ng aking mga paa dahil sa pag lalakad, mas masakit ang pinag daraanan ko ngayon.

Gusto kong sumigaw at ilabas ang lahat ng aking sama ng loob sa mundo. Naalala ko pa ung dumating na mag asawa kanina sa bahay dahil may investment daw sila sa mommy at daddy na hindi naibalik sa kanila at gustong kunin ang bahay namin bilang kabayaran saan nalang ako pupulutin nito.

Sobrang sakit na ng ulo ko sa kakaisip ng pwedeng solusyon sa problema ko pero wala akong mapiga sa utak kong gulong gulo.

Ilang minuto pa ngbpaglalakad ay naabot ko ang SM Fariview dahil hating gabi na ay sarado na ang mall ngunit sa labas nito ay puno parin ng buhay.

Napakaraming nag titinda ng kung ano ano sa bangketa.

May mga casing ng cellphone, tempred glass, charger, street foods, may mga videoke bar, damit at kung ano ano pa.

Nakaramdam ako ng gutom, inilabas ko ang wallet ko buti nalang at may 120 pa ako, bumili ako ng isang tuhog ng kwek kwek at isang baso ng pineapple juice halabang bente pesos lang.

Nalamanan nadin ang tiyan ko kaya tumuloy lang ako sa paglalakad.

Out of my curiosity kanina ko pa napapansin ang kotseng naka sunod saakin hindi ko lang pinapansin kanina dahil baka conincidence lang pero parang hindi na tama ngayon ang pakiramdam ko kaya tinapunan ko ng masamang titig ang parte ng drivers seat para tigilan niya ako saka ako tumawid para maka iwas sa siraulong iyon, hindi ko naman kasi makita ang tao sa loob dahil tinted ang salamin.

Pagka tawid na pagkatawid ko ay napangiti ako dahil hindi ko inexpect na may park pala dito, open siya sa public kahit hating gabi na dahil sa liwanag ng buwan ang nakikita ko ang mangilan ngilang tao na nag lalakd at naka upo sa ilalim ng mga puno dito sa parke.

Nag hanap muna ako ng mauupuan sa ilalin ng isang puno walang ibang tao dito kaya dito ko piniling maupo.

Nilatag ko muna ang panyo ko sa damo bago naupo para hindi marumihan ang uniform ko at saka tumitig sa bilog na buwan. Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi, bakit naman ang hirap hirap ng pagsubok na binigay saakin ng diyos?

Save me From the BillionaireWhere stories live. Discover now