Forever and Always II - CHAPTER 6

46 4 0
                                        

WARNING: BAWAL PO SA MGA INOSENTE. 😁
Thank you for waiting again. The succeeding scenes are not suitable for minors.

It's okay to cry, aniya sa sarili. Naiwan siyang nakatanga sa harapan ng pinto pagkaalis ni Gwen. Nagpabalik-balik sa isipan niya ang nangyari sa restaurant kanina. Ni hindi siya nakapag-react. She is not a violent person but the sight of a woman flirting with her husband made her think of smashing that woman's face on the floor. But then, she was too shocked to move. Mas nagawa pa ni Gwen na magalit para sa kanya. The pain numbed her instantly. Kaya kahit anong sakit ng dibdib ay hindi pumatak ang luha niya. At hanggang ngayon, ayaw pa rin pumatak ng luha niya.

How did Alex look so cool about it? He looked shocked but he didn't look guilty. He was on a date on a broad daylight for goodness' sake! And it was just a few blocks from where they lived. It was like he wanted her to see he was cheating on her. He looked at her without remorse. She cringed at the thought. How can Alex enjoy the sight of her hurting? It was as if he was drinking from her pain and yet he still thirsts.

Pinukpok niya ang dibdib nang sumigid na naman ang sakit. For God's sake, cry!

Should she just die? Will he be happy if she just die? Because she felt dying anyway. She was surprised by how much pain her body was able to take. She doesn't know if she can take any more of it. Dahil ang sakit-sakit na ng nadarama ng puso niya.

Tiniis niya ang malamig na pakikitungo ni Alex sa kanya sa loob ng isang buwan dahil umaasa siyang iyon lang ang kailangan nito para bumalik sila sa dati. Akala niya'y magiging okay rin ang lahat sa kanila kapag hinayaan niya itong mapag-isa. Akala niya'y babalik ang dating Alex kapag binigyan niya ito ng oras para hilumin ang sakit na naramdaman nito. Akala niya, kakayanin niya ang lahat dahil sa pagmamahal niya rito. Sana sinaktan na lang siya nito, kesa sa makita niyang nagpapakasaya ito sa ibang babae.

Why does he keep her here if he doesn't want her anymore? Or does he keep her here to make her suffer? Kung pinaparusahan siya nito dahil nasasaktan ito, sobra-sobrang pahirap naman 'to!

"Mom..." biglang usal niya. Her mom used to just kiss and hug her and all the pain goes away. This is a different kind of pain. Nevertheless, she needs a hug from her badly.

Nangati ang kamay niyang mag-impake ng gamit. She can pack her things and go home. It will end her miserable life. But why can't she make herself leave? Why does she cling on to that little hope that it will still work out for them? Her husband is having a baby from another woman and now he is dating other women. What more does she need to give up on him? Hanggang kailan siya magpapakatanga?

She didn't wanna be a pathetic wife. Dahil iyon ang madalas iniiwan ng asawa. But that's what she looks like right now. She is a pathetic wife living in misery.

If you can't cry, then at least move! Sigaw ng utak niya dahil nakatanga pa rin siya sa harapan ng pinto. Pinilit niyang inihakbang ang mga paa saka pumasok siya sa silid at hapong-hapo na ibinagsak ang sarili sa kama. Her heart is hurting and yet her whole body seemed to ache.

Dati-rati'y hinihintay niya ang asawang makauwi kahit hanggang lagpas hating-gabi pa. Nagkukunwari siyang nanood ng tv, nagpipinta, gumagawa ng scrapbook, naglilinis, lahat ng pwedeng maidahilan. She just can't sleep not knowing he is safe. And she cannot sleep without seeing his face. Tinutulungan pa niya itong magbihis at pinupunasan kapag lasing ito. She had enough of that.

Gusto niyang matawa sa sarili. How can she be so naive and stupid? Sa bawat gabing nag-aalala siya sa asawa'y nagpapakasaya pala ito sa kandungan ng iba!

Pinilit niya ang sariling makatulog. She had enough for today. She is mentally and emotionally exhausted. She needs to do something but she's too tired and too hurt to even think. Hanggang sa unti-unti siyang iginupo ng antok.

Forever and Always (Book 2)Where stories live. Discover now