𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐀

123 7 0
                                    

𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐀

Sa pagbabalik ko sa ating nakaraan,pipilas ako ng papel,kukunin ang panulat,at isusulat ang huling tula para sa pag-ibig nating namayapa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pagbabalik ko sa ating nakaraan,
pipilas ako ng papel,
kukunin ang panulat,
at isusulat ang huling tula para sa pag-ibig nating namayapa.

Isusulat ang bawat pantig ng puso kong nangungulila sa iyo.
Marahang iguguhit ang mga letrang sumisimbolo ng pagmamahal ko.
Babasahin ang mga taludtod ng nakalimot nating pangako.
Kakabisaduhin ang bawat saknong na walang sinasabi kundi ang bumalik ka na sa piling ko.

Pero ikaw,
tapos ka nang mangulila.
Wala na akong simbolo sa puso mo.
Nakalimutan mo na, hindi lang ang dating mga pangako,
pati ako.
At kahit anong gawin ko,
hindi ka na babalik dahil may iba nang mas nagpapasaya sayo.

Kaya naman sa oras na ako'y humantong sa pinakahuling letra sa tulang ito,
tapos na ako.
Tapos na ako sa'yo.

***
DEDICATED TO
𝐀𝐌𝐄𝐑𝐘 𝐇𝐄𝐗𝐀𝐃𝐀


TutulalaWhere stories live. Discover now