𝐓𝐄𝐊𝐀, 𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐅𝐑𝐄𝐄𝐙𝐄 𝐌𝐔𝐍𝐀
Baka pagod na sa pagtakbo ang puso mo,
pagod na kasi ako sa kahahabol sa'yo.
Bakit ba kasi kahit gaano ako kabilis,
hindi kita magawang maabutan?
Ah! Oo nga pala,
nauna sa pagtibok ang puso mo kaysa sa akin.
Kaso nga lang, hindi pa rin pala para sa'kin.Time freeze muna,
tumigil ka muna sa pagtakbo.
Magpapahinga muna ako sa paghabol sa'yo.
Para kung sakaling magsimula ulit tayo sa ating habulan,
baka mahabol na kita at maabutan.
Baka sakaling mataya na kita at ang puso mong ayaw akong pagbigyan.
BINABASA MO ANG
Tutulala
PoetryKoleksyon ng mga pasumalang tula. Most impressive ranks: Tula - #3, Poem - #43, Poetry - #22, Poetry Collection - #16 *** Genre: Poetry By: kadehoshi DISCLAIMER: Ang mga larawang ginamit sa bawat tula ay galing sa Pinterest. ©Pinterest