Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Maraming itinatagong baho at sikreto, na bawal ipaalam sa kahit sino— kahit ako dahil ikaw lang ang p'wedeng maka-alam.
Nagtatago sa iba't ibang mukha at pangalan. Hindi ko tuloy matukoy kung ano ang dapat itawag, o kung saan ako dapat tumingin o ano ang dapat kong tignan.
Gawin nating isang salita para maging simple, para maging diretso sa kung ano ba ang aking punto kung anong klase ang pag-ibig mo.
Heto na, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Peke.