Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahit iniwan mo ako, at ipinagpalit sa mas malapit sa'yo, maghihintay lang rito. Tatanawin ka habang nasa piling ng iba. Pagmamasdan ka munang masaya habang magkahawak kamay kayong dalawa. Hanggang sa magkamali siya, at masaktan ka ng sobra-sobra. At kung sakaling babalik ka, nandito lang ako. Buong puso kang tatanggapin, at hindi na hahayaang mapunta sa iba dahil ika'y para lang sa akin.