Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahan-dahan lang, baka bigla kang mabilaukan. Hindi ka naman mauubusan, ang dami pang pagkain d'yan.
Ang takaw mo, parang 'di ka nabubusog. Pero sa kabilang banda, naiingit ako. Gusto ko ring kumain na parang may fiesta, o kaya may birthday. Gusto kong lantakan ang mga paborito kong putahe nang hindi nag-aalinlangan, kaso paniguradong lolobo ako, bibilog ang bawat parte ng katawan ko -- mukha, binti at braso -- 'di tulad mo na payat pa rin kahit isang batcha na ang nakain.
Ano bang sikreto? Sabihin mo naman. Gusto kong malaman.