SIMULA

249 2 1
                                    

SIMULA

Third Person's Point Of View

"Totoo ba yung bali-balita?" Tanong ng isang babaeng estudyante nakasuot ng blue uniform at black skirt na hanggang gitna ng kanyang hita. "Yung kumakalat daw na scandal video ni Hazel? Nakakadiri!" Natatawang sabi niya.

Tumikhim si Nicki na nakaupo sa harap ng kanyang kaibigan nasi Zennia. Nagtawanan sila pero agad naman napawi iyon ng makita nila si Hazel na naglalakad papalapit sa kanila. Nakayuko ito at mukhang kagagaling lang sa pag iyak. "Nakakahiya." Pabulong na sambit ni Zennia.

Lalampas na sana sa kanila si Hazel pero agad namang humarang si Zennia. "Totoo pala yung nabalitaan namin, Hazel? Nakakadiri no? Ang lakas mo pang umungol." Panunuya nito.

"Hayaan mo na siya, Zen." Mahinang sabi ni Nicki na parang walang pakialam.

"H-hindi ko gusto yun!" Sigaw ni Hazel na agad na tumawag nang husto ng atensyon ng mga estudyanteng nabibilang sa ika sampung pangkat.

Kinuha ni Zennia ang cellphone niya at ipinakita iyon kay Hazel na ngayon ay nanginginig sa takot. "Kadiri ka, Hazel!" Sigaw ng ilan na nagpatawa sa madami.

"Masarap ba?" Sigawan nila. Lingid sa kaalaman ng karamihan may galit si Zennia kay Hazel dahil naging ex nito si Lorenzo na siyang kilalang babaero sa Galvez International High School.

Yapak ng takong ang nagpapalingon sa iba pero tila ba hindi iyon napansin nina Hazel, Nicki, at Zennia kaya nagpatuloy sila sa pagtatalo.

"Alam mo kaya ka na rarape kasi malandi ka. Puro pasexy yang suot mo tapos paganda ka din sa mga lalaki." Nang aasar na sabi Zennia.

Natigilan ang grupo nina Lorenzo sa kabilang lamesa na walang balak awatin ang mga babae. Ipapakita sana niya ulit ang video pero nagulat siya nang may humila sa cellphone niya.

"Give me that." Seryosong sabi ng isang babae. Naglakad ito papalapit sa lalagyan ng juice sa canteen at inilubog iyon ng walang pag aalinlangan. Walang ibang ginawa ang mga tindera kundi ang manahimik dahil sa takot na baka masesante sa trabaho.

Nanlaki ang mga mata ni Lorenzo nang makita niya kung sino ang babae na seryosong hinarap si Zennia na hindi makapaniwalang sa isang iglap nakalubog sa malamig na juice ang cellphone niya.

"Epal ka ah!" Sigaw ni Zennia sa babae. Susugurin na sana niya ito pero agad namang inawat ni Nicki.

"You know, you're so epal din. Wala ka naman doon nong nangyari yung sa video." Kalmadong sabi ng babaeng ito. Humalukipkip siya at seryosong tinignan si Zennia.

"Wala nga ako doon pero alam na alam ko kung anong nangyari base sa video na yun! Malandi kasi." Iritadong sabi ni Zennia.

Natawa ang babaeng nasa harap niya. "Alam mo dapat jan sa ulo mo naaalog. Masyado ka nang praning!" Gamit ang hintuturong daliri ng babaeng ito ay tinusok niya ang noo ni Zennia dahilan para mapaatras ito lakas.

"Tama na!" Sigaw ni Nicki pero inirapan lang siya ng babaeng ito.

"Para malaman mo wala kang pakialam kung pangsexy ang suot niya. Makinis at maganda ang balat niya kaya naiingit ka. Isa pa hindi siya paganda kasi maganda talaga siya. Eh ikaw? Anong kaya mong gawin? Ang dumikit dikit sa kahit sinong lalaki?" Dere-deretsong sabi ng babaeng ito.

Hindi nakapagsalita si Zennia dahil sa matinding kapahiyaan dulot ng babaeng nasa harap niya. Huminga ng malalim ang babae bago tawagin ang atensyon ng lahat ng nasa loob ng kantina.

"Everyone here in the video that is spreading now is Hazel but that was not intentional or deliberate. She went to the birthday of her friend Nicki. Pero iniwan siya nito sa mga lalaki." Paliwanag nito dahilan para magbulungan ang lahat.

Matalim ang tingin kay Nicki ng magkatinginan silang dalawa.  "Hazel is a victim of rape but I hope you do not think that she wants that to happen."

Natawa naman si Zennia dahil sa sinabi ng babae. "Puro kasi pasexy ang–"

"That's called fashion." Putol ng babae kay Zennia. Napayuko si Hazel dahil sa seryosong boses at tinig ng babae.

Ngumisi si Lorenzo habang nakapanghalumbaba. Tuwang tuwa siyang tignan ang babaeng ito na tila ba langit sa kanyang makitang galit ito. "Puro pa ganda lang naman ang alam ng isang yan, bobo naman." Halos ipagsigawan ni Zennia ang kanyang pinagsasabi para marinig ng mga tao sa canteen.

Umirap ang babaeng nasa harapan niya at ngumisi. "Hindi niya kasalanan kung maganda siya pero hindi siya matalino. Walang pinanganak na bobo liban sayo. Ikaw kasi....hindi kana nga maganda pero bobo ka pa."

Nagsigawan ang lahat ng mga tao sa canteen dahil sa pangangatyaw ng babaeng ito kay Zennia. "Insulting other people without seeing or looking at oneself is a big stupidity." Aniya bago tumalikod at naglakad papalabas ng canteen.

Halos mabulahaw ang lahat ng tao doon nang makalabas ito sa canteen. Napasigaw si Zennia dahil sa matinding galit at inis.

Nagtawanan ang mga kaibigan ni Lorenzo, ngunit si Lorenzo ay nanatiling nakatingin sa labas ng canteen kung saan kitang kita niya ang babaeng ito na dederetsong naglalakad papapunta sa ikalawang palapag ng school.

Agad na tumakbo si Hazel para sundan ang babae na ngayon ay nasa kalagitnaan na ng pasilyo. Makailang beses na niya itong tinawag pero hindi siya nito nililingon kaya naman mas tinakbo na niya ito ng mas malapit.

Puno ng kaba ang puso ni Hazel nang mahawakan niya ang babaeng ito nakakunot noo siyang nilingon.

"M-maraming salamat." Nakayukong sabi ni Hazel. Nag umpisa siyang umiyak dahil buong akala niya ay mapapahiya na siya sa buong school.

Bumagsak ang tingin ng babae sa kamay ni Hazel na nakahawak sa mahabang manggas ng uniporme niya. Tumayo siya ng maayos at hinarap si Hazel.

Nahinto sa pagtakbo si Lorenzo ng makita niya sina Hazel at ang babaeng ito na seryosong hinaharap ang bawat isa.

Si Hazel ay naging isa sa mga babae ni Lorenzo na kilala bilang babaero sa loob ng Galvez International High School. Matangkad at maputi si Lorenzo. Ang kanyang buhok ay palaging magulo na nagbibigay sa kanya ng kagwapuhan. Ang mga mata nito ay mayroon sigurong mahika kung kaya't madaming nahuhumaling sa tuwing titigan nito.

Namamangha si Lorenzo sa babaeng kausap ngayon ni Hazel na mababakasan ang ibang lahi sa mukha nito. Medyo matangkad siya na katamtataman ang pangangatawan. Ang kanyang buhok na hanggang sa balikat ay itim na itim at pino. Ang balat niya ay medyo maputi at makinis.

"Wag mo nang isipin iyon. Alam naman nilang lahat na hindi mo ginusto iyon at lalong walang taong gugustuhing mangyari iyon." Iyon na lang ata ang magandang nasabi ng babaeng ito bago maglakad papaalis.

Nanlaki ang mga mata ni Hazel at agad na nagsalita. "Sandali!" Sigaw ni Hazel dahilan para matigilan ang babae. "Anong pangalan mo?" Patuloy nito.

Natulala ang babaeng ito nang makita niya si Lorenzo na inaabangan ang sasabihin ng babaeng ito.

"Ang pangalan ko ay... Everleigh Kaihley Kniazeff." Aniya bago maglakad ng mabilis papaalis sa lugar na iyon.  Napangiti si Hazel nang marinig niya iyon mula kay Everleigh.

UNTIL I  LOVE YOU (Hope of heart series 02)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon