Chapter 8

296 14 0
                                    

Chris Pov:

Pagka uwi ko ng bahay ay agad akong nag ayos ng gamit. Hindi ko alam kung bakit at kung paano pero bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko! Sa totoo lang kanina sa sinabi niya nung nasa office kami hindi yun mawala sa isipan ko!

"First of all, Napaka OA mo! Ahahaha! Cute."

"First of all, Napaka OA mo! Ahahaha! Cute."

"First of all, Napaka OA mo! Ahahaha! Cute."

d>___<b

Cute ba? Hehehehe...

d -  3 - b

Tapos nilibre niya pa ako ng pagkain! Sa totoo lang ang kapal din ng mukha ko kung makipag salita ako sa kanya parang akala mo sobrang close namin eh! Nakalimutan ko atang ayun ang magiging boss ko! Pero hindi ko naman siyang narining na isumbat niya sa akin na boss ko siya o kaya ayusin ko ang pananalita ko. Instead na ganun ang marinig ko katulad lang sa mga normal boss, Siya naman nang aasar pa kung minsan!

d>____<b

Tapos bigla niya pa akong pinag impake ng gamit! Ng hindi ko alam ang dahilan! Saan naman ako papatirahin ng babae na yon?

Nagmadali na lang akong mag ayos ng gamit tutal halos mga damit lang naman ang sa akin dito. Yung mga furnitures na yan hindi sakin yan noh! Pag lipat ko dito nandito na yung mga yan! Mga simpleng kabinet, Drawer, Lamesa, Salamin....Aish! Basta! Nagkalkal na ako ng mga gamit ko at tsaka inilagay sa bag ko. Ngayon ko lang napansin na ang gulo ko pala sa damit. Hindi man lang ako makapag tupi!

Nag vibrate bigla ang Cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. May tumatawag. Sinilip ko yun at unknown number ang nakalagay. Syempre sinagot ko yun.

"Hello?"

"Buksan mo ang pinto dito sa baba dahil ang lakas ng ulan."

dO____Ob

"S-Sino toh?!"

May tao sa labas ng bahay?! Sino pupunta dito ng ganitong oras?! 9pm na din kasi noh! Umuulan pa!

"Si Eva."

Nataranta ako ng marinig ko ang pangalan niya! Hindi na ako magtataka kung siya yun dahil parang deadma lang yun kung magsalita! TIPID PA! Halos matapilok na ako sa hagdanan kaka madali pero hayss...#SAFE. Pag bukas ko ng pinto ay nasa harapan ko si Eva. May payong at kunot ang noo. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko talaga maitatanggi na maganda siya. Haysss....

"What? Staring contest na lang? Hindi mo ako papapasukin?"

Maldita din kung minsan...

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay ko at syempre dahil nga mayaman tong babae na toh talagang tinignan niya pa yung loob ng bahay ko. Inikot niya ang mata niya sa bahay ko.

"Sorry medyo may kaliitan ang bahay ko...Hindi din magara. Madumi pa. Hindi mo naman sinabing pupunta ka eh! Paano mo rin nalaman dito ako nakatira? Hindi ko naman sinabi kung saang street at lugar ah!?"

"Ang Ingay mo naman. Hindi ako maarte kaya kahit saan kaya kong lumugar." Inirapan pa ako.

d-___-b

"Bakit ka ba kasi nandito?"

"Alam kong madaming tanong ang tumatakbo sa isip mo ngayon." Sabi niya at tsaka umupo sa maliit na sofa.

"Oh e bakit ka nga nandito?"

"Wala lang."

dO_____Ob

"Ano? Wala lang?"

"Naboboryo ako sa bahay eh." Malumanay na sabi niya at tumingin ulit sa paligid. "Ganito ka lang dito? As in ikaw lang? Wala man lang ibang taong nagpaparamdam maliban sa multo?" Natatawang sabi niya at tsaka tumayo. Pumunta sa kusina at binuksan ang ref!

She's the BossWhere stories live. Discover now