Chapter 26

238 7 0
                                    

d>___<b

Niyakap ko pa at pinang gigilan ang unan na nasa tabi ko. Napahiga pa ako tsaka sumipa dahil sa mga pangyayari! Ano na lang sasabihin ni Eva?!

d>____<b

Renzo Calling....

dO___Ob

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang si Renzo ang tumatawag! Agad kong sinagot yun at natuwa dahil NAALALA NIYA PA AKO!

"RENZ!"

"Chris! Kamusta na tol?! Mayaman ka na pala ah!"

do_ob

"A-Ano? Hindi pa noh!"

"SUUUS! Nakita lang kita sa dyaryo noh! Sino yung babae ha? ha?"

"E-Eh kasi..."

"Ano ha? Saan ka na ba nakitira at wala ka na dun sa dating nirerentahan mo? Pag punta ko dun nabalitaan ko na lang na umalis ka na dun! May sumundo pa talaga sayo dun ah!"

"Tsk! Madami na ang mga pangyayaring nagaganap sakin ngayon! Bwuahahaha!"

"Hindi ka man lang sa akin nagsasabi! Saan ka na ba nakatira? Punta ako dyan at kuwentuhan mo ako!"

"Aba Sige ba!"

"Eh saan nga yan?"

"Arya Residences."

"Aba! Ampucha naman pala Chris! Saan ka na ba nagtratrabaho at biglang ganyan na ang pamumuhay mo ha?"

d>___<b

"M-Mahabang kuwentuhan toh Renz..Pumunta ka na lang kasi dito!"

"Sige! Oo na! Bawat detalye ng pangyayari sabihin mo ah!"

"Tsk! Oo nga!"

End of phone call...

napahiga ulit ako sa sofa at napabuntong hininga na lang. Mahabang kuwentuhan toh! Bwuahaha!

*

*

*

Knock! Knock! Knock!

dO__Ob

Agad akong pumunta sa pintuan at pinagbuksan yun. Nakita ko naman si Renzo na nanlaki ang mata, Agad ko siyang pinapasok sa loob at hindi na nag alinlangan. Inikot niya ang paningin niya sa unit ko at napa upo din sa sofa.

"Grabe Chris...ang laki ng pinagbago mo! Ikaw! Yang itsura mo!"

"Huh? Bakit? Ano bang meron sa itsura ko?"

"Tignan mo ba naman! Yung buhok mo naka pomada na! Yang mga suot mo! Hindi ka na nag POPOLO!" Turo niya pa sa suot kong damit. "Pati pabango mo abot dito! Grabe lang!"

SI EVA KASI! kung ano-ano pinamimili sa akin! Pati pabango at pumada eh! Binilhan pa nga ako ng Brief eh! NAKAKAHIYA! Na sa Jag pa kami non! Napayuko na lang ako kasi ba naman! Pantalon ang usapan bigla niya akong hinila sa mga brief na yon! Tinanong pa ako kungmaayos pa daw ba ang mga brief na suot ko!

d>___<b

Waaaahhhh!! Evvaaaaaaa!!!

d///___///b

"Chris! Hoy!"

dO_____Ob

"Huh?"

"Kanina pa ako nagsasalita! Ano na ang kuwento mo ha?! At tsaka bakit ba namumula yang mukha mo? May lagnat ka ba?"

She's the BossWhere stories live. Discover now