CHAPTER 6

3.1K 210 1
                                    


Zino POV.

Kilala nyo na ako diba,so I don't need to introduce my self because you already know me.

Back to reality.

Where here at the cafeteria,we already finished our lunch, so hito sila ngayon Ang iingay.

"Teka nasan naba si Alyxa?"Takang tanong ni Marko, Oo nga nasan na yung babaing yun, mag ccr Lang daw pero ang tagal,hmm siguro matigas yung dumi nya Kaya natagalan dahil hirap sa pagpalabas, hahahaha! Nakakatawa siguro ang mukha nya ngayon.

"Oo nga sabi nya magccr Lang daw sya bat Naman Ang tagal nya?"Miko.

"Di kaya'y- huh!"gulat na sabi ni Alex, may patikip bibig pang nalalaman,yuck parang bakla.

"Ano?"inis na tanong nila except sa aming tatlo alam nyo na. Mr.silent and Mr.Yelo Kambal ko, hahahaha! Pero mas gwapo ako sa kanya,Kambal Lang kami sa ugali pero di sa dugo. Get it!

"Di kaya'y..........."pa thrill na sabi ni Alex, Asus Ang childish talaga ng isang to.

"Di Kaya'y ano?!"inis na sabi nila.

"Di Kaya'y na hirapan syang dumumi Kaya natagalan sya? Huhu! Kawawa naman si Alyxa!"hahahaha langya Yun Lang pala Ang sasabihin nya.

Nakatikim Naman sya NG tig-iisang batok sa kanila.

"Aray! Dapat ba lahat kayo?!"inis na tanong ni Alex.

"Tss. Ikaw kasi ehh, may pa thrill thrill kapang nalalaman Yun pala,Yun Lang Ang sasabihin mo?"inis na tugon ni Tob.

"Kayo Naman di na mabiro,easy Lang!"ngiting wika nya yung parang mongoloid ay hindi pala parang, mongoloid talaga sya hahahahaha!

"Abat gusto mo pa huh?!"inis na wika ni Tob.

"Hoy magsitigil nga kayo nandito tayo sa cafeteria Ang iingay nyo! Tignan nyo pinagtitinginan na tayo"kalmadong Saad ni Liam na ngayoy nagbabasa ng libro, sya si Mr. silent.

"Wow si Liam ba yung nagsalita?"Marko.

"Oo nga, naks! Nag improve kana Dre ah, ipagpatuloy mo Lang Yan!"pang-aasar sa kanya ni Kenzo.

"Tss, di naman pinagtitinginan tayo dahil sa ma ingay tayo Yun ay dahil kinikilig sila pag nakikita tayo, tignan nyo Ang lalapad NG ngiti nila oh!"Miko, tse! Playboy talaga ang Gago.

"Oo nga, pero nag-aalala parin kami Kay Alyxa"Xander.

"Hayaan nyo na Ang babaing yun,di naman mapapahamak Yun"tugon ni Brent a.k.a Mr. Yelo.

"Paano kung inabangan sya ng section Ceries doon at may gawin silang nasama Kay Alyxa!"concerned na wika ni Xander.

"Bat ba napaka concern nyo sa babaing yun? Ano bang meron sa kanya?"tanong ni Brent. Oo nga, ngayun ko Lang kasi nakita silang subrang nag-aalala sa isang babae.

"Dahil obligasyon natin Ang protektahan sya, diba Yan ang utos ng Dean?"Terrence

"Oo nga, Kaya puntahan na natin sya baka kung ano ng nangyari sa kanya, lagot tayo Kay Dean kapag may masamang nangyari sa kanya"Miko. May point sya don Yun kasi ang reason kung bakit kami nakatira ngayon sa bahay ni Alyxa.

Di namin matanggihan si mommy dahil takut kami sa kanya, lahat kasi NG sinasabi nya ay gagawin nya talaga,at lahat ng inuutus nya ay dapat masusunod.

"Oo nga at tsaka Wala dito Ang section Ceries baka ano ng ginawa nila Kay Alyxa! Nako po!"Kenzo.

Nilibot ko Ang paningin sa loob ng cafeteria at tama sya Wala dito Ang section Ceries.

F*CK pag may nangyaring masama Kay Lyxee mapapatay ko talaga sila.

The badass GirlWhere stories live. Discover now