CHAPTER 24

2.2K 175 4
                                    

Zino POV.

Nandito ako ngayon sa garden ng school.

"Hayy, talagang nagbago na sya!"sambit sa sarili.

Napapabuntong hininga akong tumayo at inilagay sa bulsa ang mga kamay bago nagsimulang naglakad papunta sa department namin.

Di paman ako nakakalayo ay nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakaupo sa damohan habang nakatingin sa kalangitan.

Lalapitan ko sana ito pero di ko na tuloy dahil sa sinabi nya......

"Ano ba? Wag ka ngang umiyak dyan! Hindi mo na sya mahal diba? Bakit nasasaktan ka parin?!"wika nya sa kanyang sarili, napatanga ako dahil sa pamilyar na boses na yun......

"Matagal na syang nawala sa puso mo diba?! Bat mo parin sya naiisip?! Punyitang buhay to ohh. Kasi naman bakit sa dinami dami ng lugar sa mundo talagang dito pa?! Dito pa nagtagpo ang landas namin, kung saan magkikita kami araw araw hah?! Bakit ganun lord,bakit?!"umiiyak na saad nya.umiiyak na naman sya. Hayy!

Talagang masakit sa kanya ang nangyari. Alam ko naman na ako ang dahilan ng kamalasan nya sa buhay. Simula kasi ng dumating kami ay nagkanda gulo gulo na ang buhay nya. Habang ang saamin ay nagbago rin,pero kabaliktaran ng sa kanya.

Gusto ko mang lapitan sya pero di ko magawa dahil alam kung ayaw nyang makita ako. Bibigyan ko muna sya ng time para mag-isip at kumalma.

Kahit masakit ay nilisan ko ang lugar na yun at tinungo ang room namin.

*****

"Class Dismissed!"saad ni prof. Nagsimula ng magsiayos ang mga kaklasi namin habang ako ay kinuha ang bag at nauna ng lumabas.

Ayaw ko munang gambalain sya. Ayaw ko kasing nakikita syang umiiyak dahil sakin.

Nasasaktan rin ako kapag ganun,kaya mas mabuting itigil muna.

Pero hindi ako susuko! Gagawin ko ang lahat para mabalik sya sakin. Hindi man naging kami noon, sisiguraduhin kung magiging kami sa kasalukuyan.

Hintay kalang Lyxee, mapapasakin karin. Kapag nangyari yun! Di na kita papakawalan pa*smirk*



Kyzeel POV.

Nag-aayos ako ng gamit dahil dismissal na.

Nauna na syang lumabas. Alam king alam nya na naiinis ako kapag nakikita sya.

Kaya siguro umiiwas na sya ngayon.

Pero imbis na sumaya dahil hindi na nya ako guguluhin ay bakit may kaunting kirot sa puso ko? Bakit di pumapayag ang puso ko na di sya makita? Pero ang utak ko naman ay pinagpipilitang kalimutan sya, pero bakit ganun? Ayaw ng puso ko?
Di kayay.....  No! No way! Hinding hindi na ako magkakagusto sa kanya, nasaktan na ako noon, sapat na yun para matauhan ako.

The badass GirlWhere stories live. Discover now