Ang Simula

613 6 0
                                    

*MySunshine*

Part1

Blaire*
POV

Nakakatuwa talagang Panoorin si Charlie My Love.
Ang Gwapo nya tapos magaling Kumanta at Sumayaw.

"Yiiie!! My Sunshine! Kelan ba kita makikita ulit?" Sabi ko.

Nandito ko sa Kwarto ko at nakadapa sa Kama habang pinapanood ko si Charlie Williams na Super Crush ko since 7 years old palang Ako.

Nasa 12 si Charlie nung magsimula syang Kumanta sa School namin tapos nadiskubre sya sa isang Show kaya nag tuluy tuloy ang Career nya hanggang sa ilabas din nya yung Galing nya sa pagsayaw tapos naging Artista pa sya.

"Oh my." Sabi ko.

Napapa-pisil Pisngi Ako habang nakadapa dito sa Kama.
20 na ko ngayon pero hindi nagbabago ang nararamdaman ko para kay Charlie My Love.

"Hays." Bulong ko.

Naalala ko nun nung Unang unang Beses na nakatabi ko sya sa Canteen.

*****
13 Years Ago

"Blaire? Bilisan mo! Hindi pa tayo nakakakain baka masundo na tayo nila Mommy." Sabi ni Dove na BFF ko.

"Eto naman? Nagmamadali masyado e." Sabi ko.

Inaayos ko pa tong Bag ko e nagmamadali tong Kaibigan ko na Kumain.
Nandito pa kame sa Classroom.
Naglabasan na kase yung mga Classmates namin at kameng Tatlo nalang nila Teacher Gwen at Dove ang naiwan dito.

Gusto ko kase maayos tong mga Gamit ko bago bitbitin itong Backpack ko.

"Tagal? Gutom na ko e." Sabi ni Dove.

"Eto na. Hays." Sabi ko.

Binitbit ko na tong Bag ko.
Naglakad kame palabas dito sa Classroom tapos dire-diretso lang papunta sa Canteen.

Umorder kame ng makakain tapos nag-iisip kung saan pupuwesto.

Palingon lingon Ako.

Punong-puno na sa lahat ng Upuan kaya Kasalanan ko to kase hindi kame naka-upo agad ni Dove.

"Yan. Kase e. Wala tuloy tayong Pwesto." Sabi ni Dove.

Nakita ko yung isang Pwesto sa Dulo.
Inaya ko agad si Dove na magpunta dun hanggang sa makalapit kame dito at ilalapag na Sana tong Tray na hawak-hawak namin ng may Maunang mag Bagsak ng Tray ng Kung Sino.

Tumingala Ako sa isang Magandang Mukha ng Lalaki.

"So? Nauna na ko." Sabi nito.

"Ang kapal ng Mukha mo Brad ha. Nauna kame dito e tapos nilapag mo kagad yang Tray mo!" Sabi ko.

"Galit ka na nyan? Lumipat kayo sa iba kase Nauna ko e. Bagal nyo kase." Sabi nito.

"Kapal talaga ng Mukha neto e. Ikaw ang Lumipat!" Sabi ko.

Nakangisi saken tong Lalaki na to.
Gwapo sya tapos Matangos ang ilong at may Mapulang Labi.

Talo si Baby Zayn ko kaya mapapalitan na sya nitong.

"Anong Pangalan mo?" Sabi ni Dove.

"Oh. Uhm. Charlie? Ikaw." Sabi nitong Lalaki kay Dove.

"Dove." Sabi ng Kaibigan ko.

Nagngingitian sila nitong Charlie na to.
Parang Invisible Ako sa kanila.

Naupo si Dove tapos nagkwekwentuhan sila nitong Charlie tapos parang nakalimutan nyang Kasama nya ko.

My Sunshine (COMPLETE)Where stories live. Discover now