Pagsisisi

109 3 0
                                    

*MySunshine*

Part18

Charlie*
POV

Dali-dali kameng naghanda para habulin sila Lucia at Mei na baka hindi pa naman nakaka-alis ngayon.

"Tara. Tara na!" Sabi ko.

Sumakay Ako sa Kotse ko pati sila nagsisakayan na sa mga Kanya kanyang ka Buddy nila.

Anim sila.
Dalawang sasakyan ang Dala dala nila.

Binilisan na namin tong pagmamaneho namin.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagdating sa Airport na kung Saan yung Sinabi ng Kasambahay ni Lucia e lumusob kame ng mga NBI na kasama ko.

Hindi ko na pinapansin ang mga Tilian ng mga Tao basta dire-diretso lang Ako ng Lakad.

"I saw them!" Sabi ko.

Nagdi Disguise pa sila e alam na alam ko naman ang Kilos nila at kabisadong kabisado ko yung Buhok at kung paano sila tumingin Saken.

"Harangin nyo yang Dalawang Kriminal na yan!" Sigaw ko sa mga Guwardiya.

Tumakbo na agad Ako pati tong mga Kasama kong Agents at dali-daling pinosasan sila Mei at Lucia na inalisan ko pa ng mga Shades at Sumbrero nila.

"Disguise pa kayo ah? Hmp. Tignan naten kung saan kayo pupulutin Dalawa sa Ginawa nyo sa Girlfriend ko." Sabi ko.

"Charlie! Wala kong alam! Si Lucia ang may pakana nitong Lahat-lahat! Charlie! Please." Sabi ni Mei.

"Tumigil ka! Sinungaling ka! Bwisit kayo! Nang dahil sa kagagawan nyo na Ospital si Blaire kaya makukulong kayo! Gagawin ko ang Lahat-lahat para Mapahiya kayo! Ngayon palang kitang-kita na ng mga Tao dito tong nangyayare saten." Gigil na sabi ko.

Umiiyak pa si Mei.

"Hindi pa tayo tapos Charlie! Gagantihan kita! Bagay lang yung nangyare sa Girlfriend mo kase Masyado syang Matapang! Gagantihan ko kayo!" Sabi ni Lucia.

"Nang dahil sa sinabi mo ngayon. Madagdagan pa yung Kaso mo. Goodluck Lucia. Goodluck din sayo Mei." Sabi ko.

Kinaladkad na silang Dalawa ng Apat na NBI tapos nakasunod lang Ako dito sa Likod nila hanggang sa makalabas kame dito sa Airport at magsisakay na sa Kotse.

Nauna na sila na Umalis at i a Update nalang Ako ni Garry tungkol sa Pagsampa ng Kaso laban sa Dalawang Bwisit na yun at isusunod naman namin na alamin kung sinu-sino ang mga Kasabwat pa nila kaya nakalusot sila at madali nilang Nakuha si Blaire.

"Hays." Bulong ko.

Pinaandar ko na tong Kotse ko tapos sa Ospital na ko Pupunta.

****
Blaire*
POV

Nagising Ako sa mga Boses na nag-uusap usap.
Pagdilat ko nandito ang Mommy at Daddy ko pati ang Mommy at Daddy ni Charlie pero si...

"Si Charlie po?" Bulong ko.

"Umalis si Charlie Anak. Hahabulin nila sila Mei at Lucia." Sabi ng Mommy ko.

Tumango-tango Ako.
Hinalikan ni Mommy ang Noo ko ganon din si Daddy tapos Hinawakan nila Tito at Tita tong mga Kamay ko.

"Hija. Magpagaling kang Mabuti. Hm? Makukulong na sila. Magdudusa sila sa Bilangguan dahil sa Ginawa nila Sayo." Sabi ni Tita.

"Opo, ang importante talaga. Mahuli sila at mapagbayaran nila tong ginawa nila saken. Gagantihan ko sila sa Pagsampal nila Saken. Magpapagaling po Ako tapos  bubulagain ko sila. Makikita nila yung Galit ko." Sabi ko.

My Sunshine (COMPLETE)Where stories live. Discover now