Pagkikita

107 5 0
                                    

*MySunshine*

Part7

Blaire*
POV

Ginawa ko lahat-lahat para lang Mapag-ayos ko sila Emily, Victoria at Athena na pati Ako syempre damay sa Sama ng loob ng Dalawa.

Umabot ng ilang Buwan hanggang Taon na hindi sila nag-uusap usap na pati Ako hindi pinapansin nila Victoria at Emily kase akala nila si Athena ang pinapanigan ko.

"Hays. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tapos na-iisip ko pa na may Girlfriend na si Charlie nahihirapan tong Kalooban ko." Sabi ko.

"Anak. Alam mo, hayaan mo na si Charlie kung ayaw na nya. Maraming Lalaki dian Anak tyaka Artista si Charlie kumbaga marami kang magiging Karibal. Baka pagkaguluhan ka. Alam mo ba yon?" Sabi ni Mommy.

"Alam ko yun Mom kaso, hindi ko kayang kalimutan si Charlie. I love him Mom." Sabi ko.

Hindi ko na napigilan at umiyak na ko sa Harap ng Mommy ko tapos niyakap na nya ko saka pinapatahan.

"Anak, makakalimutan mo rin sya basta iwasan mo na yung pag Tingin tingin sa Social Media nya at pag sya ang ipapalabas sa Cable edi patayin mo muna yung T.V. mawawala rin ang Sakit tyaka makakalimutan mo din sya. Okay?" Sabi nito.

Tumango-tango Ako.
Pinunasan na ni Mommy tong Luha ko saka ko nagpunta sa Kwarto ko.

Nag Half Bath at Natulog.

**
Nang mag Birthday Ako sa Wakas ay na ayos na ang pagkakaibigan namin nila Victoria, Emily at Athena.

Sinurpresa nila ko sa 18th Birthday ko.

"Wow!" Sabi ko.

"Happy Birthday Bes!" Sabi nilang Tatlo.

Dali-dali Akong bumaba dito sa Hagdan at sinalubong sila ng Yakap at Halik sa Pisngi ganun din sila saken hanggang sa Mag-iyakan na kaming Apat.

Hindi Ako nagpa Party kase Malungkot Ako at magkaka-away kame kaya Simpleng Handa lang ang ginawa ni Mommy at Daddy para saken.

Kain lang sa Labas kasama ang ibang Kamag-anak namen pagkatapos umuwi na dito.

"Namiss ko kayo!" Iyak ni Victoria.

"Ako din! Waaaaah! Namiss ko kayo!" Iyak ni Emily.

"Sorry mga Bes! Simula ngayon makikinig na ko!" Iyak ni Athena.

"Salamat po Lord." Iyak ko.

Nagnganga-ngawa kame dito sa Sala.
Inakay ko sila sa Kainan para Makakain ng Niluto ni Mommy kanina na Spaghetti, Caldereta at Ginataang Bilo bilo.
May Dessert rin kaming ginawa ni Mommy na Fruit Salad tyaka Rainbow Cake.

Pinahain ko ang mga Pagkain sa mga Kasambahay namin dito sa Bahay saka kami Kumain ng mga Kaibigan ko.

"Buti magkakasama kayong nagpunta dito." Sabi ko.

"Nagpunta si Athena samen tapos inaya ko sya kay Vic tapos nag-usap usap kame na Birthday mo nga." Sabi ni Emily.

"Sorry talaga Vic. Sana nakinig Ako sayo kesa pinairal ko yung pagkakaroon ko ng Gusto sa Zayn na yun." Sabi ni Athena.

"Wala yun. Basta, alam mo na. Para sayo kaya inaway ko si Zayn noon. Atlis maging Aral na sayo yan. Namiss kita Gaga." Sabi ni Victoria.

"Namiss din kita! Namiss ko kayo ni Ems." Sabi ni Athena.

Nag hawakan kame ng Kamay tapos nagtatawanan.

**
Naging Masaya Ako kase maayos na ulit ang Relasyon ng Pagkakaibigan namin nila Victoria, Emily at Athena.

My Sunshine (COMPLETE)Where stories live. Discover now