Kontrabidang Dove at Epal na Cat

150 3 0
                                    

*MySunshine*

Part2

Blaire*
POV

Pinandilatan ko ng Mata si Dove na nakangisi pa saken ngayon at niyayabangan Ako dahil nakapag Sumbong sya sa Mommy ko ng Mali para ipahiya siguro ko sa mga Taong nasa Paligid namin.

"Blaire." Seryosong sabi ni Mommy.

Agad Akong tumingala sa Mommy ko at tinignan sa Mata.

"Don't tell me naniniwala ka sa Dove na to Mom? Remember. I am your Daughter here." Sabi ko.

Nanlaki ang mga Mata ni Mommy sa sinabi ko.
Tumingin Ako kay Dove na nawala na sa pagkangisi ang Labi nito at Ako naman ang Ngumisi ngayon.

"Uhm, Okay Anak. We should go na. Hmm. Dove, Kame na ang mag-uusap ni Blaire about sa Sinumbong mo." Sabi ni Mommy.

Tumingala si Dove sa Mommy ko saka ngumiti at Tumango.

Naglakad na kame ni Mommy at dinaanan namin si Dove na nanggagalaiti sa Inis kase hindi Ako pinagalitan ng Mommy ko sa Harap nya at ng mga Kaibigan nyang Feeling Magaganda.

Nakasimangot sila saken at Ngumiti lang Ako.

"Hindi na ba kayo Bati ni Dove? Bakit ganon ang Kilos nyo ah." Sabi ni Mommy.

"Sya yung nauna Mom. Bigla nya kong hindi pinansin kase Ako yung madalas na hinaharot ni Charlie. Nagseselos si Dove saken at naiinggit kase Mahal na mahal mo ko." Sabi ko.

"Oh. Okay. Sa Bahay naten ipagpapatuloy ang pag-uusap ah. Okay?" Sabi ni Mommy.

"Yes Mom." Sabi ko.

Pagdating dito sa Gate na Malaki nitong School lumabas kame ni Mommy at sumakay agad sa Kotse ni Daddy.

Kumuha agad Ako ng Wipes dito sa Kaha ng Kotse ni Daddy ko.
Tapos pinunas ko sa Mukha ko.

"Oh? Bakit basa ang Mukha mo." Sabi ni Daddy Larry ko.

"Uhm. Nabasa po ko kase naglaro kame ni Charlie." Sabi ko.

"Wow. Talagang Close na close kayo ni Charlie ah. Baka naman may Gusto sayo yun ah. Nako. Bawal pa. Baby ka pa masyado." Sabi ni Daddy.

"Nako Daddy. Haha. Hindi kame pwede ni Charlie. Parang Kuya ko na yun e." Sabi ko.

Nagtatawanan sila ni Mommy.

(Joke lang yung Syempre... Gagawin ko ang Lahat para maging Kame ni Charlie.)

"Hmm." Huni ko.

Pinaandar na ni Daddy tong Kotse.
Nagmumuni muni Ako at iniisip si Charlie kung tatawagan kaya nya ko mamaya sa Telepono sa Bahay.

Excited na kong marinig yung Boses nya.

Makalipas ang ilang Minuto

Pagdating dito sa Parking Lot ng Bahay bumaba na kame nila Mommy at Daddy saka dumiretso sa Loob ng Bahay.

Naupo Ako sa Sofa saka sumandal at pumikit.

"Hays. Ang sarap yatang Maligo." Sabi ko.

"Mag-uusap muna tayo bago ka Maligo."

Idinilat ko tong mga Mata ko tapos naupo si Mommy sa Tabi ko saka sumimangot.

Dinaanan naman kame ni Daddy na dire-diretso sa pag-akyat at Tyak na papunta sa Kwarto nilang Mag-asawa.

Naupo Ako ng maayos at nakipag-titigan sa Mommy ko.

"Mom. Nag a Acting kame ni Charlie sa Likod ng School. Kahit tanungin nyo pa po si Charlie." Sabi ko.

My Sunshine (COMPLETE)Where stories live. Discover now