Mga Kontrabida

96 3 0
                                    

*MySunshine*

Part16
Warning!!

Blaire*
POV

Hindi Ako makapiglas kase Malaking Tao si Zayn tapos kinakaladkad na nya ko.

"Zayn! Bitawan mo ko! Tulong!! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko.

"Tumahimik ka Blaire kung ayaw mong masaktan." Gigil na sabi nito.

"Bitawan mo sabi Ako!" Sigaw ko.

Bigla nya kong sinikmuraan kaya namilipit Ako sa Sakit at niyakap na nya ko saka binuhat.

Hindi ko alam kung paano ko makakasigaw sa lagay kong to na nanghihina sa Malakas na Suntok na naranasan ko.

"Oh. Charlie jusko." Bulong ko.

"Shut up! Wala si Charlie dito kaya tumahimik ka kung ayaw mong Masaktan ulit!" Gigil na sabi nito.

"Maawa ka Zayn." Iyak ko.

"Tumigil ka sabi." Gigil na sabi nito.

Naiyak na ko.
Nakakawalang Pag-asa kase ni wala manlang humahabol samen ni Zayn habang Buhat-buhat Ako nito tapos sa Hagdan lang nya ko dinadaan kase hindi pwede na mag Elevator dahil mahuhuli sya.

"Zayn ano bang kailangan mo." Iyak ko.

"Tumahimik ka sabi." Gigil na sabi nito.

Hindi ko alam ang gagawin ko basta umiiyak lang Ako habang hawak-hawak tong Tyan ko na sinuntok nya.

"Jusko. Ang sakit." Iyak ko.

Lumabas kame sa pinto tapos may Kotseng naka-abang dito at sinakay nya ko pati sya.

Hindi ko inaasahang nandito si Mei Francisco at ang isang Babaeng mukhang may Edad na.

"Kamusta Blaire? Hmm. Hindi mo pa ko kilala. Well, ako si Lucia na ginago ng Boyfriend mo." Sabi nito.

"Hindi ka ginago ni Charlie! Ikaw tong masyadong mahigpit at kung makaasta kala mong hawak-hawak mo si Charlie sa Ulo! Ano tong ginagawa nyo? Kinikidnap nyo ko?" Sabi ko.

"Oh Yes Girl! Pasensyahan tayo dahil sinira ni Charlie yung Buhay namin kaya hindi na kame makapagtrabaho ng Maayos!" Sabi ni Mei.

"Oh? Anong Konek ko? Porket Girlfriend Ako ni Charlie akala nyo basta basta nalang kayong makakaganti. At ikaw Zayn. Ano to? Gumaganti ka din kase pinakulong kita sa Salang ikaw rin ang may Gawa?! Ang kakapal ng Mukha nyo para magsama sama ah." Gigil na sabi ko.

Sasampalin na dapat Ako ni Lucia pero inunahan ko sya.

*pak!

"Wag na wag mong idadampi saken yang Marumi at Mabaho mong Kamay!" Sigaw ko.

Galit na galit tong Lucia na to tapos hinawakan na ni Zayn tong mga Kamay ko kaya nakaganti ng Sampal saken si Lucia at inulit-ulit pa nya hanggang sa mamanhid na tong magkabilang Pisngi ko.

"Gagantihan ko kayo. Tandaan nyo tong ginawa nyo Saken." Gigil na sabi ko.

"Let see." Mataray na sabi ni Lucia.

Nilagyan ni Zayn ng Blindfold tong Mata ko tapos tinali nya tong mga Kamay ko kaya hirap na kong Makagalaw.

Nagsisisi tuloy Ako kase lumayo Ako kay Charlie at nagpalakad lakad kaya nakuha nila ko.

**
Pagka alis ng Blindfold.

Pagdilat ko.

Nandito ko sa Lugar na parang Bodega.
Kidnap nanga itong ginagawa nila saken tapos naka-upo at nakatali Ako dito sa isang Upuan.

My Sunshine (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon