Ang Pagkikita

114 4 0
                                    

*MySunshine*

Part10

Charlie*
POV

Hinahalikan ko ng Madiin at Malalim si Blaire pero hindi rin nagtagal to.

Umatras sya saka nya ko tinitigan sa Mukha.

Nandun sa likuran nya yung mga Kaibigan nya at pinapanood kame na ganito.

"Blaire. I'm sorry." Sabi ko.

Humakbang Ako ng isa palapit sa kanya pero Umatras sya tapos nagsimula na sa pag-iyak.

"Ang Kapal ng mukha mo Charlie! Wag kang lalapit saken." Sabi nito.

"Blaire may paliwanag Ako kaya hindi Ako nakapagparamdam sayo. Yung sa Concert sorry kung sinabi ko na hindi kita Kilala. Pinoprotektahan lang kita Blaire. Maniwala ka saken. Mahal kita Okay? Hindi kita niloko. Hindi Ako tumingin sa iba ikaw yung iniisip ko. Yung Samen ni Mei na yun wala yun. Palabas lang yun para Umingay yung Pangalan nya dahil saken. Pero tinatapos ko na Blaire. Inaayos na namin ni Raymond yung nakasulat sa Kontrata pero gaganti Ako sa pagsakal ng Manager ni Mei saken pati si Mei gagantihan ko bago ko makalaya sa kanila. Please Blaire. I'm sorry kung naghintay ka ng pagka Tagal tagal. I'm so sorry. Babawi Ako sayo." Sabi ko.

Gewang gewang na si Blaire kung gumalaw tapos may Hawak pang Bote ng Emperador na nakalahati na nya kakatungga.

"Stop it. Your drunk Blaire. You need to Rest." Sabi ko.

Umiling-iling ito tapos tinungga nanaman nya yung Bote kaya lumapit na ko agad at inagaw to sa kanya na sakto pang...

*pak!

Napalingon Ako sa Kanan ko ng Sampalin nya ko tapos tinignan ko agad sya at hinayan nalang ito na Saktan saktan Ako.

"I deserve this. It's Okay Baby." Sabi ko.

Humahagulgol ito ng iyak habang hinahampas tong Dibdib ko tapos sinasampal sampal nya ko't babalik ulit sa paghampas sa Dibdib ko.

"Go on. It's Okay. Saktan mo ko i deserve it." Sabi ko.

"Bakit nagpakita ka pa! Bwisit ka Charlie! Sinaktan mo ko! Naghintay Ako sayo tapos Ano! Niloko mo ko Charlie! Niloko mo ko! Pinaasa mo ko!" Iyak nito.

Hindi ko na napigilan at naiyak na din Ako.

"B'Blaire. Hindi kita niloko. Contract lang yon pero tatapusin ko na nga. Ayoko na kase alam kong nasasaktan ka. Okay. Please maniwala ka sana Saken. Mahal kita. Hindi kita niloko. Wala kong pinatulan na kahit na sino. Yung Samen ni Mei wala yun. Palabas nga lang yun." Iyak ko.

Sinampal nya ko ulit pero Okay lang saken.
Naiintindihan kong nasaktan ko ito ng Sobra dahil sa Matagal na kong hindi nakapagparamdam sa kanya tapos ni Hindi ko sya nababati sa Birthday nya.

"I'm sorry Blaire. Gagawin ko lahat mapatunayan ko lang sayo na nagsasabi Ako ng Totoo na hindi kita Niloko. Naiintindihan kita kaya Galit ka saken kase kasalanan ko to e. Akala mo pinaasa kita pero hindi Blaire. Excited na excited na kong Mayakap ka. Mahalikan ka. Hindi lang Ako makakilos Noon kase may Kontrata kong Dapat sundin." Iyak ko.

Nabitawan na nito yung Bote saka ko sya binuhat kase alam kong nanlalata na sya dala ng Kalasingan.

"B'Bitiwan mo ko Charlie." Bulong nito na nakapikit na ang mga Mata.

"Aalagaan kita Blaire. Akong bahala sayo." Sabi ko.

Tumingin Ako sa mga Kaibigan nya saka nagpasalamat.
Set Up namin to para maka-usap ni Raymond si Blaire kaya nandito silang Apat sa Beach na to.

Pagkatapos na pagkatapos kase ng Concert dinamdam ko yung Sinabi ko kay Blaire tapos bumigat yung Nararamdaman ko nung nakita ko ang Pag Agos ng Luha ni Blaire nung Gabing yun na kinausap nya ko pero sinabi kong Hindi ko sya kilala.

My Sunshine (COMPLETE)Where stories live. Discover now