Prologue

620 26 0
                                    


S T E F A N

Seven months ago

Above Los Angeles, California

Napapikit si Stefan nang isandal ang likod sa komportableng puwesto niya sa business class ng flight na iyon na kaaalis lang ng Los Angeles, California papuntang Memphis, Tennessee.

Isang malaking backpack lang ang dala niya, at ang flight na ito ang huling luxury niya bago umpisahan ang alam niyang magiging mahaba, masalimuot at delikadong misyon.

“Ano ang mapapala mo sa plano mo, Stefan? Hindi mo na sila maibabalik!”

“Iiiwan mo ang propesyong ilang taon mong inalagaan at kung saan tagumpay ka na, para lang hanapin ang mga taong ayaw namang magpakita?”

“Let it go, Stefan. You’ll never find those people, and if you do, they will make sure you will have no evidence that will prove they had anything to do with your dad and sister’s murder. Hindi natin alam kung gaano kalawak ang impluwensya nila.”

“We will still be behind you, Agent West, but not all the time. May hangganan ang kaya naming gawin para sa iyo. You left the service. You decided instead to act on a personal agenda.”

Nahilot niya ang sentido. Kagabi pa paulit-ulit ang mga sinabing iyon ng kanyang ina, mga kaibigan, at ng dating boss niya sa United Intelligence Network kung saan halos anim na taon siyang naging isa sa mga investigators at kalaunan ay agent-in-charge sa mga task force, hanggang sa mag-resign siya noong isang buwan at nag-last day sa trabaho twelve days ago.

Masaya siya sa UIN at fullfiling ang trabaho niya, pero sa palagay niya ay dumating na ang oras at pagkakatoan para harapin ang isang bagay na matagal na niyang nais gawin -- ang hanapin ang taong mastermind sa walang-awang pagpaslang sa kanyang ama at nakatatandang kapatid na si Stana labindalawang taon na ang nakakaraan.

Kung hindi lang siguro siya inutusan ng mga ito na may balikan sa mall kung saan sila nanggaling ay baka nakasama rin siya sa napatay.

The sight of the bullet holes and blood in the windows and car seats, and their lifeless bodies still haunted him and gave him nightmares. Walang pinatunguhan ang isinagawang imbestigasyon at wala ring lumutang na witness, hanggang sa tuluyan na lang nakalimutan ang kaso.

Nang magtrabaho siya sa UIN ay nagkaroon siya ng access sa nakalap na mga ebidensya dati at siya na mismo ang nag-imbestiga. He had to get help from his colleagues, who were more than willing to help, until he got a break in the case a few months ago that prompted this decision.

Hindi niya ito basta mapapakawalan. He had to meet the person who took his dad and sister away.

At sa sandaling mangyari iyon ay saka niya pagdedesisyunan kung ano ang nararapat na closure para sa nakalipas na labindalawang taong nagdusa siya, sila ng kanyang mama na kahit buhay pa ay parang kasama na ring nawala.

~~❤~~

J E N D R A

Four months ago

The long train ride from Chicago. Illinois to Memphis, Tennessee

“I can’t believe you cut your hair! And colored it like that! Man…” naiiling pero napapangiting sabi ni Agent Arianna Materazzo.

Ito ang magandang Special Agent in Charge ng UIN Memphis headquarters na sumundo kay Jendra sa Chicago kung saan nagbakasyon muna siya ng ilang araw bago simulan ang pinakamalaking assignment sa four year history ng career niya bilang UIN investigator.

Una siyang na-assign sa Thailand pagka-graduate sa academy, bago napunta sa Argentina at ngayon ay Memphis-bound na. Ito ang una niyang under cover assignment, at noong isang buwna pa siya excited.

Maging ang tita at mga pinsan niya sa Chicago ay excited para sa kanya, kahit na hindi muna siya maaaring ma-contact ng mga ito sa loob ng mga susunod na buwan.

Hinawakn niya ang bagong gupit na buhok - a pixie, boyish haircut that was also dyed brown with golden highlights. Siniguro niyang malayo sa itsura sa UIN ID photo at maging sa mga pictures niya sa database nila ang itsura niya. She also gained a few pounds, and looked more athletic now.

Mas maputi na rin siya ngayon at hindi na muna niya pina-pluck ang kilay niya. She is no longer Agent Jendra Claire Palomar, but an unassuming laboratory staff called Jenna Caceres. Sa iisang building man sila titira ni Arianna at kahit ito ang magiging boss niya ay mag-isa lang siyang  magtatrabaho sa kaso, back up lang ito.

She is excited, and just a little nervous. First time niya rin kasing mag-solo sa field, at hindi basta-basta ang assignment niya.

She is about to spy on a rogue agent, and might also have to work with a crime syndicate.

“I can’t believe it either.” Sabi niya sa kasama. “But if this will help me totally inhabit my new identity, then it has to be done, right?”

“Right.” Sang-ayon ni Arianna, na kahit supportive ay hindi pa rin itinatago ang pag-aalala. “I’ve said this a hundred times but… you have to be careful out there, okay? It’s easy to get lost in there… you could either lose yourself, or your mind, yoru heart…” bumuntung-hininga ito. “Your life.”

Tinapik niya ang kamay nito. “I’ll be fine, Ari. We’ll get our man back, I promise.”

The Secrets We Keep (Completed)Where stories live. Discover now