Chapter Four

143 9 0
                                    


Sa loob ng nakalipas na tatlong buwan, ang downtown Memphis, Union Avenue at Beale Street pa lang ang napupuntahan ni Jendra.

Nasanay siya sa kakaibang pagsasama-sama ng ilang skyscrapers at lumang colonial-style buildings sa city center kaya hindi niya gaanong inaasahan ang nadaraanan nila ngayon.

Ilang milyang puro berde ang nakikita niya simula nang makalampas sila ng Shelby Park sa downtown, at sa di kalayuan ay kita ang Mississippi River kung saan kasalukuyan ang parada ng mga barge.

“So you really haven't gone out since you got here? Kaya pala ang putla mo.”

Napatingin siya sa katabi. “Wala akong oras. Natapat pang end of quarter nung magsimula ako tapos may mga bagong projects na kailangan ng reports.”

“Balita ko ang sipag mo raw.” Stefan squeezed her hand. “Puewedeng mag-relax, JC. Hindi mo kailangang tapusin ang lahat sa oras. It's not like we're following legalities to the letter, you know.” he said wryly.

Hindi niya inaalis ang tingin sa bintana. Paano niya sasabihin ditong hindi lang sa trabaho niya sa Pharma nauubos ang oras niya? She still had to do research and report for UIN everyday.

Araw-araw din ay tsine-check niya kung bugged ang flat niya kahit alam niyang 'malinis' iyon kahit pa subukang mag-install ang mga Melloni ng listening devices. Holt also assured her she won't be monitored but still...

“This is a new life for me, Paul. Ayokong ikompromiso ang kalidad ng trabaho ko. Binigyan ako ng pambihirang opportunity--”

“And what an opportunity it is.”

Napatingin na siya dito. “I was not sure if I will be given another chance.” mariing depensa niya. “I was lucky Holt found me. Bahala ka sa gusto mong isipin. Hindi ko ginagawa ito para sa iyo.” napailing siya. “Alam ko kung ano ang pinasok ko.”

He blinked. “I'm sorry.” mukha namang nagsisisi ito. “Natatakot lang ako, para sa iyo.”

“Kaya ko ang sarili ko.” bahagyang ngumiti siya, bago ibinalik ang tingin sa bintana. Paliko sila sa isang mahabang tree-lined driveway na parang extension ng isa sa mga park. Sa dulo niyon ay isang converted brick mansion kung saan ilang magagarang sasakyan ang nakaparada sa harap.

Hindi na muling nagsalita si Stefan habang palapit sila sa Lucianna's. Hinayaan din nitong ang chauffeur ang umalalay sa kanya pababa ng sasakyan. Ang driver na rin ang kumausap sa receptionist na nakangiting igjniya sila sa grand staircase paakyat sa second floor.

“I have never been here.” Stefan softly said. “This looks straight out of a Godfather film, mas maaliwalas nga lang.”

“It's old and beautiful and a bit imposing.” tumingin siya dito. “Pero ang sasarap ng naaamoy ko nang may mapadaang server kanina sa ibaba.”

Matamang minasdan siya ni Stefan ng ilang segundo bago nito muling hinuli ang kamay niya. “Pasensya na sa mga nasabi ko. Alam kong kaya mo ang sarili mo. I just couldn't help but worry.”

“Try not to.” ngumiti siya. “Naiintindihan ko naman.” naupo na siya. May katabing picture window ang ibinigay na mesa sa kanila at mula doon ay kita ang Mississippi River. “Let's order?”

Mukhang relieved na si Stefan nang maupo. Habang kumakain ay mahina silang nag-uusap. He mostly told her about the other patrons in the restaurant that he knew. Napaka-casual ng tono nito habang ikinukuwento kung anu-anong illegal na gawain ang nasa likod ng negosyo ng mga taong itinuturo nito.

Somehow, he still looked as if he was trying to intimidate her, scare her into wanting to quit her job. She tried her best to look properly awed and just a little bit nervous.

But she wasn't the least bit worried, she was actually thrilled. Pero para sa kaharap niya, kailangan niyang magpanggap.

They shared a cake for dessert, and before five in the afternoon, they're already heading out. Inabutan pa sila ng chauffeur ng tig-isang bread basket na may kabigatan.

Signore said I will drive to your apartments. yes?”

Nagkatinginan sila, bago sabay na tumango. Mabilis ang biyahe pauwi. Bago sila bumaba ay binilinan pa si Stefan ng driver tungkol sa usapan nito at ni Gianna.

“Dinner at the mansion. Seven tomorrow.” ulit ng driver bago ito lumulan ng sasakyan.

Inihatid nila ito ng tingin hanggang sa tuluyang makalayo ang sasakyan.

“I'll walk you up?” Stefan asked hopefully.

Umiling siya. “No, I'll be fine. Pero magkikita pa rin tayo mamaya. Eight?”

Lumamlam ang mga mata nito. “Yes, eight.”

Napabuntunghininga siya. “I'm okay, Paul. Hindi ako galit, okay? Don't worry.” tinapik niya ito sa braso bago pumasok sa building niya. Ayaw niyang isipin man lang ang nararamdaman ding lungkot. Hindi iyon tama.

The Secrets We Keep (Completed)Where stories live. Discover now