Chapter 2

84 1 0
                                    

***
Chapter 2

Baby

Nang makarating ako sa bahay ay nagbihis muna ako bago dumiretso sa kusina at inayos ang aking mga pinamili. Nagsaing din ako ng kanin at nagluto ng adobo. Habang nag-aayos ako ng hapag ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok.

"Sandali lang po!" sigaw ko.

Nagpunas ako ng kamay bago nagtungo sa pintuan. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng kasing edad lang ata ni Nana. Nagulat siguro siya sa akin kaya hindi agad nakapagsalita.

"Ah, sino po sila?"

Bumalik siya sa wisyo nang nagtanong ako.

"Ay iha ako nga pala si Ising, kumare ni Selya."

"Pasok po kayo," pag-aalok ko.

Pumasok kami sa sala.

"Umupo po muna kayo Aling Ising.. Gusto niyo po ba ng maiinom ikukuha ko po kayo?"

"Iha huwag na, hindi naman ako magtatagal," pagtanggi niya at tsaka umupo. Umupo din ako sa kaniyang harapan.

"Ano po bang sadya niyo?"

"Akala ko kasi iha si Selya ang dumating dahil may nakapagsabi sa aking may tao daw na pumasok dito kaninang umaga.. Kaya naman agad agad akong nagpunta dito. Nagulat lang ako nang pagbuksan mo ako ng pinto akala ko pinto ng langit.. Dahil nga nakakita ako ng anghel. Ang ganda mo iha," pagpapaliwanag niya.

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi.

"Hindi pa naman po kayo pagbubuksan ng langit dahil ang bata niyo pa po."

"Ay naku nambola ka pang bata ka," sabay na lamang kaming natawa sa kaniyang naging tugon.

"Ano nga pala ang pangalan mo iha at kaano-ano ka ba ni Selya? At bakit nagawi ka dito eh mukha kang foreigner?" Sunod-sunod na pagtatanong ni Aling Ising.

"Majestia po, pero Maj nalang po ang itawag niyo sa akin. Pamangkin po ako ni Nana Selya, nandito po ako dahil mahirap po ang manirahan sa syudad.. At gusto ko din pong pumunta dito dahil sabi ni Nana maganda daw po ang lugar niyo dito."

"Parang wala namang nabanggit si Selya na pamangkin niya." Well, I lied at that part. Ayoko lang na maungkat pa ang nangyari sa syudad. I am known as Xin Valderama in the city.. But now I'll be Majestia. Kailangan ko munang kalimutan iyon at ituon ang pansin sa magiging buhay ko dito sa probinsya.

"Uhm, b-baka hindi lang po nasabi sa inyo ni N-nana."

"Siguro nga.. Pero tama naman si Selya. Marami talagang magagandang tanawin dito.. At mga magagandang nilalang." Natawa naman ako sa sinabi ni Aling Selya.

"Kumain na po ba kayo? Kung hindi pa po ay dito na kayo kumain, sakto naman pong naihanda ko na hapag-kainan," pag-iiba ko.

"Naku Maj, hindi na nakapagluto na din naman ako. Sa susunod nalang iha." Kasabay n'on ay ang pagtayo ni Aling Ising.. sumunod naman ako at sabay kaming nagtungo sa pintuan at lumabas sa bakuran.

Agad naman naming naituon ang paningin sa sasakyang paparating. The black ranger stopped infront of us and the door opened.. revealing a guy wearing a smirk on his face. This guy screams a playful aura.. Playboy. Akala ko sa City lang ako makakakita ng mga ganito but.. He's like a Greek God. Papasa na siya sa pagiging model. Tumingin siya sa akin. Natigil na lamang ako sa pag-iisip ng kung ano nang magsalita si Aling Ising.. at napabaling din siya dito.

"O saan ka galing Zero?"

"Sa court po Manang.. Kakatapos lang po nang laro namin." Tumingin naman ulit siya sa akin at muling nagtanong.

BLINDED BY THE RAINBOW (Montellano Series #1)Where stories live. Discover now