Chapter 15

47 1 0
                                    

***
Chapter 15

Midnight

"Napasa mo na ba lahat ng requirements Maj?" Pagtatanong ni Nisha.

"Oo kanina lang. Ikaw ba?" Tanong ko.

"Hindi ko pa napapasa yung iba." Saad niya habang nakasimangot.

"Bakit, hindi mo pa ba natatapos? Pwede naman kitang tulungan?" Umiling siya sa aking sinabi.

"Actually tapos ko na. Pero sa pagmamadali ko kanina ay naiwan ko yung iba." She explained.

"Sana binalikan mo nalang sa bahay niyo." I suggested.

"Yun na nga Maj. Maaga naman umalis yung prof na papasahan ko. Mabuti ka pa nga hindi mo na kailangang pumasok bukas." Malungkot niyang saad.

"Don't worry pwede naman kitang samahan bukas kung gusto mo?" Tinapik ko ang balikat niya.

"Ay huwag na Maj. Mabuti pa at kumain muna tayo nagugutom na ako." Pag-iiba niya ng usapan.

"Sige ba." I said.

"Pero wala ka bang sundo ngayon?" She's pertaining to Elias. Well, nagtext naman siya sa akin at sinabing may inaasikaso daw kaya busy.

"Wala naman. Tara na." Ako na ang humila sa kaniya.

Nang makalabas kami ay wala naman akong nakitang sasakyan. Kaya naglakad kami patungo sa may nagtitinda ng mga streetfoods.

Nagtitipid kaming dalawa kaya hanggang dito na muna ang budget namin.

"Manong, wala po ba kayong maanghang na sawsawan?" Pagtatanong ni Nisha.

"'Yang pangatlo, iha." Sabay turo sa lalagyan ng sawsawan.

"Ay heto naman pala, bakit ba hindi ka nagsasalita ha? Alam mo namang paborito kita?" Pagkausap sa sauce na nasa garapon.

Natawa kami ni Manong tindero sa pinagsasabi ni Nisha.

"Iha, hindi naman kasi nagsasalita iyan." Ani ng tindero.

"Ay ganoon po ba.." Nisha has this attitude.

She's always making the surroundings light whenever you're with her. I'm happy I became her friend. I'm lucky.

Natutunan kong kumain nang ganito dahil kay Nisha. Habang kumakain ay daldal nang daldal si Nisha ng kung anu-ano natawa pa ako nang kakasalita niya ay muntik pa siyang mabulunan. Mabuti nalang at nakabili kami ng tubig kanina.

After we ate we decided to separte ways.

Pagdating ko sa bahay ay nagpalit agad ako ng damit.

Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng matinding kirot. God! It hurts. Napaluha pa ako pero pinilit kong maglakad para makaupo sa aking kama.

Inabot ko ang gamot sa kabinet at ininom iyon. Maya maya lang ay unti unti namang natigil ang kirot nito.

Nanatili akong nakaupo sa kama at sumandal sa headboard nito. Pumikit ako nang mariin nang hindi pa rin matigil ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

I wiped my tears and lay down on the bed. Maya maya lang ay tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako nang maramdaman kong may presensiya sa aking tabi.

I saw Elias beside me.. his hand is on my waist.

"Baby, get up now. You should eat your dinner." He said. Siguro ay nagpaluto ulit siya kay Nanay Ising.

I closed my eyes again.. Inaantok pa ako.

"Majestia," mahinang tawag ni Elias.

"Five minutes, please." He chuckled at my response.

BLINDED BY THE RAINBOW (Montellano Series #1)Where stories live. Discover now