Chapter 4

61 2 0
                                    

***
Chapter 4

Someone

Lumabas kami ng eskwelahan at tahimik pa din sila. Nakaisip naman ako ng paraan para hindi na sila magtampo. Hinarap ko sila bago magsalita.

"Hmm.  Dash, Migulle, Xavier, Sylver and Elias sa bahay ko na kayo mananghalian. Ipagluluto ko kayo," panimula ko.

Binalingan naman nila ako.

"Pasasalamat ko na din sa pagsama sa akin dito. Pero kung ayaw niyo-"

"Ang daya mo Maj, sinusuhulan mo kami ng pagkain," nakasimangot na saad ni Miguelle. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Mamaya baka lasunin mo pala kami," wika ni Xavier.

"Are you sure you know how to cook?" Natawa naman si Dash tanong ni Sylver.

"Oo naman marunong ako magluto.. At hindi naman ako mukhang masamang tao para lasunin kayo 'di ba?" Bakit ba hindi nalang sila pumayag?

"Cousins trust me she's a pro in cooking."

Agad naman akong binalingan nilang apat.

"What?!"sabay-sabay pa nilang sigaw. Para pang galit.

"Pinagluto mo na siya Majestia?"

"Actually El.. nakikain lang ako, ikaw ba aalukin ng pagkain tatanggi ka?" Pabalang na sagot ni Dash.

"G ba kayo?"

"Oo naman," tugon ni Migo. Tumango naman ang iba.

"Pero pwede bang mag-grocery muna ako bago tayo pumunta sa bahay? Wala na kasing mga stock na pagkain sa bahay."

"Sure, tara na."

Sumakay na kami ni Dash sa sasakyan niya. Hindi ko na hinintay pa si Dash nang ikinabit ko ang aking seatbelt. Paalis na sana kami nang may kumatok sa bintana ng sasakyan. It's Elias.

"I'll go with you... Migo and Xavi are annoying me there." He's grumpy again eh? Dash just nodded. Binuksan naman ni Elias ang pinto ng backseat at doon umupo.

"Okay then.. Lets go." Saka kami pumanhik.

Punong puno ang dalawang cart na kinuha ng lima dahil panay lang ang lagay nila dito ng kung ano. I already told them na ako na lang ang mag-isang mamimili.. Pero nagulat na lang ako nung kumuha ako ng cart ay kumuha din sila ng dalawa. Hinayaan ko nalang sila at nagsimula nang mamili.

"Naubusan din ba kayo ng stock?" Note the sarcasm.

"What? It's yours." Elias said. Then they left me there and proceeded to the counter. Nakita ko pang natataranta ang cashier at namumula din ang pisngi. Tsk!

"12,345 pesos sir." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing presyo ng babae.

"Wait what?! Wala akong pambayad niyan!" Binalingan ko pa si Elias. They even laughed at me.

"I'm not going to let you pay for this okay.. Here," sabay lahad ng kaniyang card sa babae.

"Kahit yung binili ko nalang ang babayaran ko.. miss magkano yun?"

"No Majestia, I'll pay. Miss isama mo na ang mga pinamili niya." Ughh! What is he doing?

"Tsk!" Narinig ko pang natatawa ang magpipinsan.

"Don't worry Jes. Hayaan mo marami naman iyang pera. Saka gawain niya iyan. He will not let a woman pay kapag kasama siya gusto niya siya ang gagastos." Pagpapaliwanag naman ni Dash. He's not letting a woman pay huh? So lagi niya itong ginagawa sa mga babae niya? I just shrugged my thoughts.

BLINDED BY THE RAINBOW (Montellano Series #1)Where stories live. Discover now