Chapter 18

41 2 0
                                    

***
Chapter 18

Lied

I also celebrated my first New Year together with Elias. Nana also greeted me on my birthday through text. Tumawag din siya sa akin para kamustahin.

Kinwento ko sa kaniya si Elias.. kung paano niya ako sinorpresa at kung paano namin pinagdiwang ang birthday ko at ang pasko. Masaya si Nana habang nagkukwento ako. Pero wala naman siyang nabanggit tungkol sa mga magulang ko.. gusto ko siyang tanungin tungkol sa kanila pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Maybe their happy right now. I hope their genuinely happy.

Totoo nga na kapag sobrang saya mo hindi mo namamalayang mabilis ang paglipas ng panahon.

Mas madalas ang naging pagdalaw ni Elias, pagt-text at pagtawag niya sa akin. Minsan ay nakakalimutan ko pa itong replyan.

My third year college end in a good way.. when vacation starts ay tumanggap naman ako nang trabaho para na rin magkaroon ng ipon. I have 1 more year before I graduate.

Naging abala din si Elias sa kaniyang trabaho pero humahanap pa rin siya ng oras para tawagan niya pa rin ako. Hindi pa rin nawawala ang pagiging sweet at caring niya. Hindi gaya ng iba na nagbabago kapag official na sila.

Ang mga pinsan niyang si Zavi at Syl ay umuwi sa kanilang magulang dahil namimiss daw nila ang mga ito. Habang si Migo naman ay nandito pa rin dahil may inaasikaso daw siya dito. Hindi naman na namin siya nakikitang may ka date na iba't ibang babae. Maybe he has his girl now, huh?

Elias accompanied me to the school when I enrolled.. and when I bought some school supplies he even paid for them. Kahit na pinagpilitan kong ako ang magbabayad ay hindi pa din ako nanalo sa kaniya pagdating sa ganitong bagay kaya naman hinahayaan ko nalang.

"Majestia, long time no see." Akala mo naman talaga matagal na kaming hindi nagkita. Nisha is just overreacting.

"Nagkita lang tayo nung enrollment, ikaw talaga." Natawa naman siya sa aking sinabi.

"Iba naman 'yon.. dahil hindi naman tayo nagkausap ng matagal." That's true.. Hindi ko nga alam kung bakit nagmamadali siya nung araw na iyon.

Dalawang linggo nalang at kaarawan na ni Elias.. Mahigit dalawang buwan na rin nang magsimula ang klase. Kaya nag-iisip na ako kung ano ang ireregalo ko sa kaniya.

Nasa cafeteria kami ni Nisha ngayon sa loob ng school.. and I told her about Elias' birthday.

"Regaluhan mo kaya siya ng boxers.. 'di ba ang galing ko talaga." Nag-init ang pisngi ko sa kaniyang sinabi.

"Ikaw talaga.. kung anu-ano ang sinasabi mo diyan, tigilan mo na nga puro ka kalokohan." Pagsuway ko sa kaniya. Natawa siya sa naging tugon ko. Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.

"Girl, Ate told me that her friend Ate Carina will be back this week." Pagkukwento nang nasa kabilang table.

"As in si Ate Carina, Elias' ex." Did I heard it right?

"Yes, girl.. at alam mo ba ang sabi sa akin ni Ate, may balak daw makipagbalikan si Ate Carina kay Elias. We know naman how was Elias noon kay Ate Carina right. It's been 4 years but he's still not moving on.. Ate Carina was his last official girlfriend. Puro nga siya fling diba? I bet they're still inlove with each other. So malaki ang possibility na magkabalikan sila." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib.

"Majestia, okay ka lang?" Nisha asked. I nodded and ignored the girls who are talking on other table. "Don't mind them, they're talking nonsense." Alam kong pinapagaan lang ni Nisha ang loob ko.

I trust Elias. He will not do that to me.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ni Elias. He stopped the car on the side. Kaya naman nilingon ko siya.

BLINDED BY THE RAINBOW (Montellano Series #1)Where stories live. Discover now