Capítulo Dieciocho

47 9 0
                                    

Capítulo Dieciocho

Nasa hapag kami at tahimik lang na kumain. Hirap na hirap ako sa pagkain dahil hindi ako komportable. Para bang ayaw lunukin ng bunganga ko ang mga pagkain na isinusubo ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ng mamà ni Felisa. Tila napansin niya ang pagiging hindi nito komportable.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Sa palagay ko ay batid ko na kung papaano manunumbalik ang iyong sigla." Excited na sabi niya sa akin. "Mayroong mga bagong produkto ang naiangkat mula sa Europa. Tiyak na magugustuhan mo ang mga iyon."

"Ganoon po ba?" Sabi ko na mayroong pekeng ngiti sa mga labi.

Siguro ay materialistic na babae sa Felisa. Mahilig sa mga bagay na kung ano ano.

"Bilisan na natin dahil baka maubusan na tayo ng bago at magagandang produkto." Masayang sabi niya sa akin.

"Huwag kayong masyadong matagal roon. Kailangan ninyong bumalik rito bago magdilim, mayroon tayong mahalagang bisita." Seryosong sabi ng papà ni Felisa.

"Huwag kang mag-alala at babalik agad kami." Sagot ng babae sa asawa niya.

"Siguraduhin mo lamang, Amelia. Hindi lingid sa aking kaalaman na sa iyo nagmana ng katigasan ng ulo si Felisa." Tila nagbibirong saad niya.

Hindi nagsalita ang mamà ni Felisa at nagpangap na tila walang narinig. Napaka ganda nilang pagmasdan. Kahit hindi nila isa tinig ay ramdam mo ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos ang pagkain namin. Parang hindi tinutunaw ng tiyan ko ang mga kinain. Hindi dahil hindi siya masarap kundi dahil sa pagkailang sa mga nangyayari sakin. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero nakakasigurado ako na hindi to tulad kahapon na nakabalik ako pagkatapos ng isang araw.

Mabilis akong hinila ng mamà ni Felisa palabas ng kanilang bahay. Nang makita ko ang labas ay napanganga ako sa nakita ko. Napakalinis ng paligid. Ang mga sasakyan na nagbubuga ng usok ay wala kundi puro kalesa na lamang.

Hindi ito tulad ng makikita mo sa Intramurous na madudungis at tumutulo ang laway ng mga kabayo. Mukha silang malinis at alagang alaga. Ang hangin din ay napakalinis at kay gandang langhapin.

"Buenos Dias, Señora Amelia. Buenos Dias, Señorita Felisa." Isang lalaki ang biglang huminto sa harapan namin upang bumati. Hinalikan niya ang likod ng aming mga palad.

Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko na itulak ang lalaki.

"Buenos Dias, Carlito." Bati sa kanya ng mamà ni Felisa. "Ano ang iyong sadya at ikaw ay naparito?" Tanong sa kanya ng mamà ni Felisa.

"May dala akong isang balita para kay Señor Segovia." Magalang na sagot niya.

"Kung ganoon ay maaari ka ng pumasok."

Nagpaalam na ito sa amin at tipid lamang akong ngumiti. Nagulat ako ng mayroong isang kalesa ang huminto sa aming harapan. Bumaba ang nagpapaandar sa kabayo, inunang alalayan ang mamà ni Felisa upang makasakay.

"Binibini?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

Hindi ko alam kung sasakay ba ako o hindi. Natatakot ako dahil hindi pa ako kahit kailan nakakasakay sa kalesa.

"Ano pa ang iyong hinihintay? Sumakay ka na Felisa." Utos sa akin ng mamà ni Felisa.

"O-opo." Sagot ko.

Nanginig ang kamay ko na inabot ang kamay ng lalaki at naglakas loob na sumakay. Napahinga ako ng maluwag ng hindi naman pala ganoon nakakatakot ang pagsakay rito.

Mabuti na lamang at nakapag-adjust na ako sa suot ko. Hindi ko na natatapakan ang laylayan nito.

Sa aming pagbyahe ay iba't ibang magandang lugar ang aking nakita. Kahit na saan ka tumingin ay malinis ang lahat ng sulok ng syudad. Hindi ito katulad ng kasalukuyang syudad na puro basura ang bawat sulok.

"Tila napakatahimik mo yata." Nagtatakang sambit niya sa akin. "Sa tuwing patutungo tayo sa pamilihan ay tuwang-tuwa ka at napaka ingay mo. Nakakatitiyak ka bang maayos na iyong makiramdam?"

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kanyang tanong. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako si Felisa.

"Maayos na po ang aking pakiramdam, mamà." Tila bulong na lang sa hangin ang huling salita na aking sinambit.

"Huwag kang mag-alala, ibibili ko ang lahat ng iyong naisin upang hindi ka na malungkot." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Hindi ko alam kung papaano siya pakikitunguhan dahil lumaki naman akong walang nanay. Kahit noong hindi pa sila naghihiwalay ay palaging busy sa trabaho si mommy.

Dahil sa mga alaala na nagbalik sa akin ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pamilihan na tinutukoy niya kanina.

Napakaraming tao sa paligid. Suot ang kanilang Maria Clara na iba-iba ang disenyo at mga mga lalaki na suot ang tila kasuotan ng mga espanyol.

"Mabuti na lamang nagpunta tayo rito." Sabi sa akin ni mamà habang nagpapay sa sarili.

Ang medyo matandang babae ay pinapayungan si mamà upang hindi mainitan. Lumapit naman sa akin si Esmeralda galing sa isang kalesa na kanilang sinakyan. Pinayungan niya rin ako.

Mabuti na lamang dahil sobrang init ngayon.

"Nakalimutan ninyong dalhin ang inyong pamaymay, binibini. Heto at ako na ang nagdala pa sa inyo."

"Maraming salamat." Sabi ko sa kanya. Mabuti na lamang at may dala siyang ganito dahil kung hindi ay baga himatayin ako dahil sa init.

Nauna ng maglakad sa akin si mamà, sumunod na lamang ako sa kanya. Ngunit napahinto ako sa isang tindahan ng mga pamaymay. Tumagal ang titig ko sa isang pamaymay na may burda ng isang bulaklak. Napakaganda at ayos ng pagkakagawa sa kanya.

Ngunit ng kukunin ko na upang hawakan ay nauna na itong kunin ng isang lalaki.

"Ipagpaumanhin mo ngunit ak-" Napatigil ako dahil sa mukha na aking nakita.

"Ito ba ang iyong nais, Felisa? Ako na ang bibili nito para sa iyo.

"Zosimo?" Pabulong kong sabi.

Ngumiti siya sa akin, ngunit ang kanyang mga mata ay hindi sa akin nakatingin.

Ang gwapo!!!

Su CartaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon