Capítulo Treinta Y Seis

31 5 0
                                    

Capítulo Treinta Y Seis

Narito ako sa aming lumang bahay dito sa Ilocos. Ilang linggo na kaming nandito. Hindi ko alam ang aking gagawin kay mamà. Hindi niya sinasabi sa akin ang dahilan ng kanyang agarang paglisan sa aming tahanan sa maynila.

"Mamà, sabihin niyo na sa akin ang dahilan!" Pagpipilit ko sa kanya.

"Umalis ka na, Felisa. Nais kong mapag-isa."

"Ngunit mamà!"

Tinalikuran niya lamang ako at mas lalong siniksik ang kanyang ulo sa unan. Napahinga ako ng malalim. Tumayo ako sa kamang inuupuan ko at nilapitan si Esmeralda.

"Bantayan mo si mamà. Lalabas lamang ako sandali."

"Masusunod."

Nagtungo ako sa kusina sapagkat nakaramdam ako ng gutom. Kanina pa pala ako hindi kumakain. Mayroon akong nakitang kamote kaya't napagpasyahan ko na ilaga ang mga yun. Medyo matagal akong natapos sa pagkain dahil nagugutom talaga ako.

Magtutungo na sana ako sa silid ni mamà ng mayroon akong mga yabag na narinig.

"Papà, ano ang iyong ginagawa rito?" Bakas sa aking boses ang pagkabahala.

"Nasaan ang iyong mamà?" Tanong niya sa akin sa kanyang mataas na boses.

"Ngunit papà, hindi ka ibig makita ni mamà. Yung ang dahilan kung bakit niya nilisan ang ating bahay sa Maynila. " Nababakas sa aking boses ang pagkataranta.

Hindi ko ibig na makasagutan sila. Hindi tulad ng ibang mga babae. Si mamà ay matapang at palaban. Kahit na siya ay babae ay hinding hindi niya hinahayaan na maliitin siya sa kadahilang iyon.

"Binibini." Humahangos na lumapit sa akin si Esmeralda.

"Ano ang iyong ginagawa rito. Hindi ba at inutos ko sa iyo na bantayan si mamà." Kahit na nag-aalala ay pinilit ko na huwag taasan ng boses si Esmeralda.

"Patawarin niyo ako binibini, ngunit nawalan ng malay si Señora Amelia sa  likod ng kabahayan."

"A-ano? Ulitin mo nga ang mga iyong tinuran?"

"Ang iyo—"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin sapagkat mabilis na tumakbo si papà pababa ng kabahayan.

Dali-dali kong sinundan si papà palabas ng kabahayan. Nang makarating ako sa lugar kung nasaan si mamà ay nakita kong buhat buhat na siya ni papà at naglakad muli papasok sa kabahayan.

Hindi ako sumunod at hinarap si Esmeralda.

"Ano ba talaga ang tunay na nangyari?" Puno ng pag-alala ang aking tinig.

"Paumanhin binibini ngunit hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa iyong mamà." Pagpapaliwanag nito. "Nakita ko na lamang siya na walang malay pagbalik ko matapos niya akong suguin ng isang basong tubig." Naririnig ko ang takot sa kanyang boses.

Hindi na ako muling nagsalita pa at naglakad na lamang papasok sa kabahayan. Naabutan ko si papà na nakabantay sa tabi ng higaan ni mamà.

Papasok na sana ako sa loob ng silid ngunit napahinto ako dahil sa paglapit ng isang katulong.

"Dumating na po ang doktor na ipinatawag ng iyong papà." Pagpapabatid niya sa akin.

"Kung gayon ay papasukin mo na siya."

Pumasok na ako sa loob ng silid at naupo sa kabilang bahagi ng higaan. Hinaplos ko ang kanyang noo at naramdaman ko ang init noon.

"Inaapoy siya ng lagnat." Mahinang bigkas ko. Tumuon ang tingin ko kay papà na nakatingin lamang sa walang malay na si mamà. "Nariyan na ang doktor na ipinatawag ninyo. Huwag na kayong mag-alala at gagaling rin si mamà."

"Ang iyong mamà..." Mahinang pagbigkas nito. "Palagi na lamang niya akong pinag-aalala."

Rinig ko ang takot na sa tinig ni papà. Lumipas ang ilang sandali at pumasok na ang doktor, mayroon siyang kasamang ginoo na nakasunod lamang sa kanya.

"Gusto ko sanang bumati ng magandang araw ngunit hindi yata tama kung babatiin ko kayo sa lagay na ito." Mahabang turan nito. "Ako nga pala si Doktor Anastacio Baluyot, ang nag-iisa at pinakamagaling na doktor sa bayang ito."

Bakit tila napakataas ng tingin niya sa kanyang sarili? Saan ba siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral? Galing ba siya ng Europa?

"Kinagagalak kong makikila ka doktor."

"Nagagalak rin akong makikilala ang pinakatatangi at nag-iisang anak ng gobernador-heneral." Eksraheradong turan nito. Kinuha nito ang aking kamay upang halikan.

Ngunit mabilis kong kinuha ang aking kamay.

"Kung gayon ay maiiwan ko na kayo ni papa. Nagtitiwala ako sa iyong kakayahan."

Mabilis akong naglakad upang makalabas na ng silid ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang lalaking kasama ng doktor. Natuon ang aking mata sa kanya ding mga mata.

Tila tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa.

"Juan Miguel?" Sambit ko.

"Felisa."

"Ano ang iyong ginagawa dito?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at tumingin sa mga tao na nasa loob. Nakuha ko naman kaagad ang kanyang ibig sabihin.

Narito kami ngayon sa likod-bahay.

"Sumama ako kay Doktor Baluyot. Nasa aming tahanan siya ng mabalitaan ko ang nangyari sa iyong mamà." Sabi nito sa akin. "Nag-alala ako sa iyo."

"Naguguluhan ako. Bakit ba palagi ka na lamang nag-aalala sa akin?" Tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Noong nakaraang linggo ay lumuwas ka pa-maynila dahil nabalitaan mo ang problema ni papà. Tapos ito na naman ngayon!" Naguguluhang mga pahayag ko. "Ano ba talaga ang iy—"

"Gusto kita."

Napahinto ako sa pagsasalita at napakurap ako.

"A-ano?" Tanong ko. "A-ano bang s-sinasabi mo? Nakatakda ka ng ikasal kay Candida. Ang akala ko ba ay mahal mo siya?"

"Maging ako man ay naguguluhan din. Noong una ay sigurado akong mahal ko siya ngunit habang tumatagal na nakikita kita, nagbabalik sa akin ang nakaraan." Sambit nito. "Mga bata pa lamang tayo ngunit gusto na kita."

Alam kong mali pero hindi ko alam kung bakit ako natutuwa sa aking mga narinig.

"P-pero n-mali." Sambit ko.

"Alam ko." Sagot niya. "Pinilit kong pigilan noong una dahil alam kong mali. Ngunit hindi ko na kayang pigilan pa. Patawad."

Akmang aalis na siya sa aking harapan ng pigilan ko siya.

"Sandali."

"Alam kong wala na tayong pag-asa na dalawa sapagkat mayroon ka ng Zosimo. Huwag mo na akong paasahin pa."

"Paano kung sabihin ko sa'yo na mahao kita? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kung ganoon ay iiwan ko si Candida. Handa kong kalabanin si Zosimo para makuha ka. Kahit na dumanak ang dugo, lalaban ako para sa'yo." Sagot nito.

"Mahal kita." Sambit ko.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

"A-ano? P-paano? K-kailan?"

"Magkasama natin itong haharapin, diba?" Tanong ko at binalewala ang kanyang pagkagulat.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ako na ang bahala sa lahat. Maghintay ka lamang." Sagot nito.

Nakangiti ako ngunit mayroong kaunting butil ng luha sa aking mga mata. Masaya ako dahil sa wakas ay nasuklian niya rin ang pag-ibig ko sa kanya.

Kahit na tawagin nila akong makasarili. Kahit pa maraming tao sa paligid namin ang masaktan. Wala akong pakealam basta magkasama kaming dalawa.

Su CartaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon