Capítulo Treinta Y Tres

34 6 0
                                    

Capítulo Treinta Y Tres

Lumipas ang mga araw ng hindi ko nakikita ang ginoong iyon. Patuloy pa rin ako sa paghihintay sa kaniya ngunit sa araw na ito ay hindi ko man lamang magawang lumabas ng aking silid.

"Ano ang iyong ginagawa? Ang sabi ko ay maghintay ka lamang roon sa labas at sabihin mo sa akin kung nakaalis na si Zosimo. Ayoko siyang makita o makausap." Naiinis na sabi ko kay Esmeralda.

"Patawad binibini, ngunit hindi ako maaring lumabas roon. Mayroong dumating na panauhin ang inyong papà galing sa karatig na lalawigan."

"Panauhin? Sino sila?" Tanong ko.

"Mula sa lalawigan ng Ilocos, isang alacalde sa bayan ng Vigan." Ssgot nito sa akin.

"Ang probinsya ng mamà?" Tanong ko sa kanya.

"Ganun na nga, binibini."

Dali dali akong lumabas ng aking silid upang makita ang mga panauhin. Mula sa itaas ay nakita ko sila ngunit natuon ang aking paningin sa isang ginoo. Mabilis kong inahawakan ang aking dibdib dahil sa mabilis na kabog nito.

"Mabuti at lumabas ka, Felisa. Halika rito." Tawag sa akin ni mamà mula sa ibaba.

Kahit na nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa kaba ay mabilis akong nagtungo sa kanila.

"Mamà, mayroon pala tayong mga bisita. Bakit hindi mo man lamang ipinabatid sa akin?"

"Ang akala ko ay masama ang iyong pakiramdam." Sagot nito sa akin.

"Ito nga pala si Felisa ang aking anak." Pagpapakilala ni papà sa akin. "Hindi ko alam kung natatandaan mo pa, ngunit siya si Juan Miguel. Ang iyong kalaro noon sa San Fernando."

Nagulat ako noong unti-unting magbalik sa aking alaala ang isang batang paslit na madalas kong nakakalaro noon.

"J-juan?"

"Felisa." Banggit niya sa aking pangalan bago niya hinalikan ang likod ng aking palad. "Kinagagalak kong makita kang muli."

"Nagagalak rin ako."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Zosimo sa isang gilid na matamang nakatingin lamang sa amin. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Hindi ko na lamang pinansin iyon.

"Bakit kayo naparito sa Maynila?" Tanong ko.

"Kailangan naming bisitahin ang Pamilya Salva, nakatakdang ikasal si Juan sa kanilang unica hija." Sagot ni Ginoong Legaspi, ang ama ni Juan.

Pamilya Salva? Nag-iisa lamang ang anak ng Pamilya Salva. Kung ganoon ay ang pakakasalan niya ay si.... CANDIDA?

"Hindi maaari!" Bigla na lamang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon.

"A-ano ang iyong ibig sabihin Felisa?" Tanong sa akin ni Juan.

"Aaahmm...Wala!" Sagot ko. "Ang ibig ko lamang sabihin ay binabati kita."

Peke akong ngumiti sa kanya at sa mga tao na nasa paligid.

"Kung ganoon ay mauuna na ako. Mayroon akong kailangan na puntahan pa."

Hindi ko na hinintay pa ang kanilamg tugon at umalis na kaagad. Narinig ko pa ang paghingi ng tawad ni mamà.

"Patawad sa kanyang biglaang pag-alis. Mayroon lamang siguro siyang mahalagang lakad."

Hindi ko na narinig pa ang kanilang tugon. Tuluyan na akong nakalabas. Kasabay ng aking paglabas ay ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko na makita ang aking dinadaanan hanggang sa makarating na lamang ako sa isang puno ng narra.

Patuloy lamang ang pagbuhos ng aking luha. Naupo ako sa upuan na naroon. Mabuti na lamang at wala ng mga tao roon. Ngunit habang nakayuko ay mayroong isang kamay na may hawak na panyo ang aking nakita. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Zosimo.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Punasan mo muna ang iyong luha." Utos niya sa akin.

Hindi ko kinuha ang panyo na kanyang binibigay sa akin. "Umalis ka na."

Hindi ko na siya inintidi ng mga sandaling iyon. Pinilit ko na pigilin ang luha. Pinupunasan ko ang luha ko gamit ang aking kamay ngunit nagulat ako ng mayroong kumuha nito at inalis. Hinawakan niya ang aking mukha hanggang sa siya na mismo ang nagpunas ng aking luha.

"Hindi ako nakakasiguro kung matatagalan ko ang katigasan ng iyong ulo." Sabi niya sa akin. "Ngunit isa lamang ang sisiguraduhin ko. Hindi kita hahayaan na lumuha ng ganito." Marahang sabi niya kasabay ng marahang niyang haplos sa aking mukha.

"Lumayo ka nga sa akin. Hindi kita kailangan rito." Sabi ko.

"Kahit na ilang beses mo pang iwasan o ipagtabuyan, hinding hindi ako aalis sa tabi mo."

Huminga na lamang ako ng malalim dahil alam ko na hindi ko siya mapapaalis. Isang nakakabinging katahimikan ang nanahan sa aming dalawa hanggang sa basagin ko ito.

"Paano mo nasabing mahal mo ako?" Tanong ko. "Bakit mo ginagawa ito? Bakit pinahihirapan mo ang sarili mo para lamang sa akin?"

"Hindi ko alam kung kailan at kung paano kita minahal. At para sa akin hindi mo ako pinahihirapan dahil kahit kailan hindi ako mapapagod sa iyo."

"Paano kung sabihin ko sa iyo na may mahal na akong iba? Lalayuan mo na ba?"

"Hindi." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang naging sagot.

"Dahil gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." Dagdag niya.

"Paano kung hindi dumating ang araw na iyon?"

Nagulat ako dahil sa kanyang ginawa. Nilapit niya ang labi niya sa aking taenga bago bumulong.

"Handa akong maghintay. Kahit na gaano pa katagal."

Su CartaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon