Capítulo Treinta Y Cinco

35 6 1
                                    

Capítulo Treinta Y Cinco

Sumunod lamang ako sa kanila papunta sa kanilang bahay.

"Binibining Felisa, nabalitaan ko na nakatakda kang ikasal sa Heneral ng ating hukbo. Totoo ba ito?"

Tumingin ako kay Dimetria habang nakangiting nagtatanong sa akin. Nais ko sanang itanggi ang kanyang sinabi ngunit alam ko na malalaman din ito ng lahat pagdating ng araw.

"Totoo nga ang iyong nga tinuran."

Nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ni Juan Miguel. Tinignan ko siya pabalik ngunit naagaw ng aking atensyon ang pagbungisngis ni Dimetria.

"Tunay nga na napaka swerte mo, Binibini. Ang ating Heneral ang siyang tinatangi ng halos lahat ng kababaihan ngunit sa huli ay sa iyo siya mapupunta." Sabi niya.

Mas mabuti nga sana kung sa ibang babae siya napunta. Nang sa ganun ay hindi na siya masaktan pa kung ako ang kanyang pagtutuunan ng atensyon.

"Dimetria, itikom mo ang iyong bibig. Napakaingay mo." Sabi ni Juan Miguel kay Dimetria.

"Hmmp! Huwag mo nga akong pakialaman, hindi naman ikaw ang aking kinakausap." Sabi sa kanya ni Dimetria.

"Ipagpaumanhin mo ang kilos ni Dimetria. Sadyang may kadaldalan ang batang iyan." Baling sa akin ni Juan Miguel.

"Huwag mo ng isipin pa iyon. Naaaliw ako sa kanya." Sagot ko.

Nakarating kami sa loob ng kabahayan. Agad namang tumakbo si Dimetria papalapit sa isang babae na sa tingin ko ay ka-edad lamang ng aking mamà.

"Mama, si Kuya Juan ay inaaway na naman ako."Sumbong nito sa Ina.

"Ikaw talagang bata ka, huwag mong guguluhin anf iyong Kuya Juan dahil siya ay may bisita. Doon ka sa iyong Kuya Jose." Turan nito sa bata.

Agad naman itong tumakbo papasok pa sa loob ng bahay. Ang Ginang ay lumapit sa akin.

"Magandang araw, Binibining Felisa." Pagbati niya sa akin. "Isang karangalan ang pagbisita ninyo sa aming munting tahanan." Sabi niya sa akin.

"Magandang araw din po, Ginang Legaspi. Isa ding karangalan ang pamarito sa inyong tahanan." Sagot ko. "At kung inyong papayagan ay maaring Felisa na lamang ang inyong itawag sa akin."

"Mabuti namam kung ganoon, Felisa." Sagot niya sa akin. "Ikaw naman Juan, bakit ka lumisan ng hindi man lamang ipinababatid sa akin."

Napatingin ako kay Juan Miguel na nagkakamot ng kanyang batok.

"Patawad, Mama. Hindi nais na umalis ng walang paalam ngunit kailangan ko lamang kamustahin si Felisa." Sagot nito.

Napatingin sa akin si Ginang Legaspi ng may ngiti sa kanyang labi.

"Naatutuwa ako at nagtagpong muli ang landas ninyong dalawa.". Marahang sabi nito. "Noong umalis kayo upang magtungo sa Madrid ay labis ang lungkot ni Juan. Natutuwa ako at nakabalik kayo rito."

"Maging ako man ay hindi inaasahan ang aming pagtatagpo." Hindi ko rin inaaasahan na iibig ako sa kanya. Sabi ko sa aking utak at hindi na isinambit pa ito.

"Hindi ko rin akalain na si Candida ay iyong matalik na kaibigan. Nabalitaan mo na sila ay ikakasal na?" Tanong niya sa akin.

Tila may kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib.

"Opo, masaya ako para sa kanila." Sagot ko.

"Mama, sa tingin ko ay maupo na muna kayo upang makapag-usap ng maayos." Singit sa amin ni Juan.

Su CartaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon