Chapter 15

24.4K 262 76
                                    


The Valentine Surprise



"Woah! Pabili nga ako nitong Ferrero heart chocolate miss!"


"Magkano yan girl?"


"Ako rin pabili!" 


Hindi magkamayaw sa pagtukso ang mga kaibigan ko sakin. Napuno na kasi ng maraming assorted chocolates ang mesang ino-occupy ko at para na nga kong nagtitinda.


It's Valentine's Day, that's why I received a lot of gifts. Nauna akong dumating sa school, kasi excited na kong makita si Damon. I even baked some cupcakes for him, with some help from my mom of course. Magaling kasi magbake si mommy, at nung sinabi ko sa kanya na gusto kong bigyan ng cupcakes ang mga kaibigan ko for this occasion; she did not hesitate to lend me a hand. We were able to bake two sets of cupcake; eight in each box. One for Damon, and one for my friends. 



Another reason why I'm early is that nagpunta pa ko sa lounge. I put the cupcakes I baked for him in the mini-fridge installed there.. Samantalang ang isang box naman ay dinala ko sa usual hang-out spot namin ng mga kaibigan ko.


Masyado akong napaaga, kaya I spent almost two hours waiting for my friends. And while I was waiting for them, people started approaching me one by one. Most of them are males of course, but I'm more surprised when I received flowers and chocolates from a few girls-- who claimed that they had a crush on me. Pero they assured me that it's nothing serious at girl crush lang naman daw. They told me na lalaki pa din naman ang gusto nila. Which is a relief.


I received a bunch of fresh roses, that I think I'd be able to make a bouquet out of them. I also received a lot of chocolates in various prducts and in all sorts of sizes. I smiled.. I'm sure matutuwa ang mga kasambahay namin dito.


Kanya kanya nang nagsikuha ang mga kaibigan ko sa mga tsokolateng nasa mesa. Hinayaan ko na lamang sila, kasi hindi naman talaga ko mahilig sa sweets.


When I showed them the cupcakes I brought, nagdalawang isip pa silang kumuha. Natawa na lang ako kasi wala talaga silang katiwala tiwala sa skills ko sa kusina. I had to tell them na si mommy naman halos ang nag-bake ng mga dala ko, saka pa nila ito nilantakan.



"Iba talaga kapag walang jowa, ano? Maraming nare-receive na regalo t'wing Valentines." Komento ni Mika. Nakaupo na kaming lahat sa bilugang mesa. 



"Eh bakit ako?! Wala naman akong jowa, pero kahit barnuts man lang walang nagbibigay?!" Nagsitawanan naman kaming lahat sa sinabi ng isa naming kaibigan.



"Lakasan mo pa kasi ang pagsigaw girl, at baka may maawa sayo!" 



Napailing na lang ako habang nakikitawa pa rin sa kanila. Here they go again.

Nymph (COMPLETED)Where stories live. Discover now