Chapter 6

130 3 0
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

Nagising ako dahil nilalamig ako at mainit ang pakiramdam ko. Hinila ko ang comforter para yakapin, kahit kalamnan ko ay pagod at nanginginig sa lamig. 

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at niluwal si seb na may dalang tray na may mga pagkain.

"Ey you okay?" Tanong nya. At nilapag sa table ang pagkain.

"No i don't feel good. Paki sabi nalang sa kanila" sagot ko. Nilapat naman nya ang palad nya sa noo ko at nakita kong nagulat sya.

"See? Yan na nga bang sinasabi ko sayo kahapon. Yan tuloy nilalagnat ka na" sita nya habang nakapoker face. Kaya pala mabigat ng pakiramdam ko at masakit ang katawan regardless sa ginawa namin. Papikit pikit ako dahil masakit ang ulo ko at inaantok na.

"Here kumain ka muna bago magpahinga. I brought you painkiller and gamot narin sa lagnat. Mabuti nalang at nagdala ako" salita nya. Bumuntong hininga ako at dahan dahang umupo, inalalayan nya naman ako dahil pakiramdam ko umiikot ang mundo ko.

Nilagay nya sa small table ang tray at nilapag sa harap ko. Napatingin ako sa pagkain. It was lugaw and a milk.

Kumain na ako habang may ginagawa sya sa cr. Ininom ko na rin ang gatas saka uminom na ng gamot. Lumabas sya sa cr at kinuha ang gamit sa harap ko. Dahan dahan na naman nya akong pinahiga.

"You should sleep again" salita nya. Tumango ako saka pumikit na.

********

"Argg" daing ko dahil masakit parin ang ulo ko. Pero hindi na ganoon ka sakit ang katawan ko. Bumangon ako at napatingin sa katawan ko lalo na ang ibabang parte ko. The last time i check hubo't hubad ako pero ngayon naka sweater pants na ako at nakajacket. Napadako ang tingin ko sa cr ng bumukas ito at lumabas doon si seb na nagpupunas ng kamay sa puting tualya.

"Gising ka na pala. how's your feeling?" Tanong nya ng makita ako. Binaba ko ang paa ko sa kama at nagsuot ng tyenelas.

"Okay na. Konting sakit sa ulo. Sino nga palang nagbihis sakin?" Tanong ko sa kanya.

"That's good. Ako bakit?" Sagot nya. Sinamaan ko sya ng tingin sa sagot nya.

"What?" Maang kong tanong na ikinangisi nya.

"Bakit? Nakita ko narin naman yan kahapon ah?" Pangasar nya. Umirap nalang ako saka tumingin sa wall clock and it was 8 pm already, so buong araw akong natulog?

"Kumain na kayo?" Tanong ko instead makipagasaran sa kanya.

"Yeah. Gutom ka ba? Tara kain tayo. Hindi pa kasi ako eh" sagot nya at hinila na ako palabas ng kwarto. Pumantay ako sa kanya sa paglalakad pababa ng hotel.

Paglabas namin sa elevator ay nakita ko sa receiving area nang hotel ang mga nagiinumang kapamilya namin at pamilya nila sarah, siguro mga nasa sampo lang kasama na ang gaga girls, namataan ko rin si Ate star at paradise tapos tatlong pinsan ni sarah. So nasaan ang mga pinsan kong maiingay? Its hard to name them all, minsan nagkakamali ako sa pagalala sa dami nila.

"H? Okay ka na?" Tanong ni Ella ng makita nya ako. Tumango naman ako at ngumiti.

"Kain muna kami" paalam ko at hinayaang dalhin ako ni seb sa kusina.

Pagpasok namin ay walang tao. Pinaupo naman nya ako sa upuan kaharap ng lamesa. Walang imik syang nagbukas ng ref sa kanan at nilabas nya ang mga nakabalot na pagkain. Nilapag nya ang mga ito sa harap ko saka kumuha sya ng mga plato at kutsara.

"Kain ka na. Then let's go back to sleep" imik nya. Napasimangot ako pero nagsandok na ako at kumain na.

"Gusto kong sumali sa kanila. Ayukong maging KJ seb" nakasimangot kong tugon. Tumingin sya sakin habang sumusubo at ngumuya muna sya pero binawi ko na ang tingin at kumain na lamang.

My Lethal Wife ✓Where stories live. Discover now