Chapter 13

147 2 0
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

Nakalabas na ako sa hospital at ikalawang buwan ko na. Simula nang makalabas ako sa ospital ay pinakiusapan ko si mama at papa na sa condo muna ako titira para makapagimbistiga ako ng maayos at hindi ko na muna sinabi sa kanila ang tungkol kina ate, ako na muna ang lalayo at hahanap ako ng ibedensya na magpapatunay sa kasamaan ng dalawa.

Sa loob ng isang buwan wala pa namang nangyayare sakin ulit at patiloy kong pinaimbestigahan sina ate at seb. Naghahanap ako ng ibedensya na sila ang gustong magpapatay sakin, na sila ang nagutos ng mga taong yun para patayin ako at sa masama nitong balak sa kompanya namin. Oo, bukod sa gusto akong ipapatay nina ate at seb ay nalaman ko rin sa loob ng isang buwan na sila ang dahilan ng unti unting pagkabankcrup ng sampong kompanya namin at walang magawa si papa kundi ibenta ang iba para maisalba ang ibang kompanya. And I'm sure na si seb ang bumibili sa kompanya namin using someone's identity, pati yun ay hanggang ngayon naghahanap ako ng ibendensya. 

"Ate nandyan ka lang pala" napatigil ako sa pagkagat sana nang strawberry ng sumulpot si paradiss. Yeah for the mean time habang nandito ako sa condo ay pinasama sakin nila mama si paradise para masigurong magiging okay ako. Binaba ko muna ang strawberry.

"Bakit ba? Anong kailangan mo?" Tanong ko na may halong irita sa boses. Naglakad naman sya papalapit sakin.

"Yung mga kaibigan mo nandito na" sagot nya. Napatingin naman sya sa hawak kong pack ng strawberry at nangunot ang noo nya.

"Kanino galing yan?" Tanong nya na ikinakunot rin ng noo ko. At pabalik palik sa kanya at sa hawak kong box ang tingin ko.

"Hindi mo 'to binili?" Tanong ko.  Wala na kasing stock ng strawberry kaya nang makita ko ito sa ref na bagong bago ang akala ko sya ang bumili.

"Hindi. Hindi pa naman ako naggrocery eh" sagot nya at nagtataka parin ang mukha.

"Hoyyyy ang tagal naman nyang ate mo" napatingin ako sa pagdating ni ella at sumunod ang apat.

"Oh anong tinutunganga nyo at parang nakakita kayo ng multo?" Tanong ni kai. Humarap naman si paradise sa mga kaibigan ko.

"Nakakapagtaka kasi saan galing ang strawberry na yan. Ang akala nya binili ko pero nakuha ko lang yan sa labas eh tingin ko nga si kuya seb nagpadala" sagot ni paradise kaya nilapag ko ang pack ng strawberry sa mesa at nagtiim bagang.

"Oh si seb naman pala--" pinahinto ko si karen.

"May lason sa strawberry" salita ko kaya lahat sila napabaling sakin.

"What? Ano yun? Lalasunin ka ng asawa mo?" Tanong ni sarah. Pero nakatingin lang ako sa prutas.

"Oo nga ate pano mo naman nasabi yan?" Tanong ni paradise. Oo nga pala hindi pa nila alam, mapapaamin pa ako ng wala sa oras nito.

Nilapit ko sa ilong ang hawak kong strawberry at inamoy ito. May kakaibang amoy ito na hindi gaya ng strawberry. It was mixed.

"Nakainject sa prutas ang lason. I should have know better" malamig kong saad at binalik sa kahon ang strawberry.

Naglakad na ako palabas ng kusina at hinayaan silang sundan ako sa couch.

"What happened?" Tanong ni ella na naguguluhan. Umupo ako sa couch at tumabi naman si gia at sarah sakin habang nasa harap si kai, karen and ella kasama na si paradise.

"Anong ibig mong sabihin kanina ate?" Tanong nya. Bumuntong hininga ako at sinalubong ang tingin nya.

"Seb is behind all of this crap" deretsa kong sagot.

"So is star jewel" dagdag ko na nakapagpalalag panga sa kanila. Bumuga ng hangin ang GG.

"What? Are you sure 'bout that?" Tanong ni gia. Tumango ako.

"Wala pa akong ebidensya pero may nalaman ako, hindi man ito makakatulong sa pangaakusan ko kay ate at seb pero alam kong makaka tulong ito sa takdang panahon" sagot ko. Humugot ako ng hininga.

"Sinabi ni mommy selene, yung mama ni seb na may relasyon noon si ate at seb pero naudlot ito dahil hindi pumayag si papa at pinakasal sya kay max pero may nangyareng sex kay ate at seb noon bago pinatapon sa states si ate kasama na si max" kwento ko. Napayuko si paradise na mukhang pinapasok sa sistema nya ang mga sinasabi ko.

"At naging bunga si Sabrina. Kahit ako ay hindi ko masikmurang magkakaroon ako ng anak na kapatid ng anak ni ate" dagdag ko. Pareho silang nagulat sa sinabi ko at hinagod naman ni gia at sarah ang likod ko.

"I once caught them on the same bed, naked and cuddled at marami akong alam na maaari kong gamitin sa pangaakusa kina ate pero hindi ko pwedeng gawin hanggang wala akong ebidensya na maipapakita sa inyo" salita ko at humugot ng hinga. I have to be strong.

"Kaya ba umalis ka sa bahay?" Tanong ni paradise. Tumango naman ako ng tignan nya ako.

"And now they made a move again to kill me" sagot ko pertaining to the strawberries. Tumango tango sila.

"I should tell mom" salita ni paradise at tumayo pero agad kong hinawakan ang kamay nya.

"Don't. Not now paradise. Kailangan ko pa ng ebidensya" sagot ko. Bumuntong hininga sya at naupo ulit.

"Are they behind our companies bankruptcy?" Tanong nya sa mata sa mata. I know paradise, she's too good but she's a bitch when someone is bitching.

"Yeah but i have to find proof" sagot ko. Napapikit sya at bumuga ng hangin ng dumilat sya.

"I can't believe ate would do such thing. Is this the third time na pinapapatay ka nya?" Tanong nya. Tumango ako tumayo sya ulit.

"Wait" tawag ko ng mabilis syang maglakad papunta sa pinto. Lumimgon sya sakin at mapait na ngumiti.

"Don't worrt ate i won't tell anyone. I just need some air" sagot nya. Tumango ako at hinayaan na syang lumabas ng condo. Umupo ako pabalik.

"Third time? Tell us what really happened H" tanong ni ella. Humugot ako ng lakas saka kinwento sa kanila ang tatlong beses na nasa bingit ako ng kamatayan.

***********

Pinatest ko ang strawberry at isang linggo akong naghintay ng result. At nalaman kong pagkinain ko iyun food poisoning ang maaari kong ikamatay, may lason ito na sa loob ng isang minuto ay mamatay ka at nabebenta ito sa black market.

They really are getting into my nerves! I warned paradise na hindi na magpupulot ng kung anong pagkain sa labas ng pinto kahit kanino pa nakasulat na saan nanggaling.

My Lethal Wife ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon