Chapter 12

137 5 1
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

Sabrina and Maximo.. kaya pala parang iba si sabrina sa lahat ng magpipinsan. Pero hindi mo rin naman mahahalata kung hindi mo papansinin, na magkaiba ng mukha sina maximo at sabrina, ngunit mas kamukha naman ni ate si sabrina. Nung nabalik si ate galing states buntis nasya noon at ako na ang nagaalaga kay sabrina dahil buntis si ate nun kay maximo. 4 years old na si sabrina ng makauwi sila rito at ako na nagasikaso sa kanya hanggang sa maipanganak ni ate si maximo.

Mabilis ang pagmamaneho ko dahil hindi parin matanggap ng sikmura ko na nagkaroon ako nang anak na kapatid ng anak ni ate. The hell! Pano nalang kung lumabas na ang anak ko tapos ano nalang sasabihin ko pag nalaman nya? Na sa sadyang higad ang ate ko at pati asawa ko kinakalantari? Dahil lang sa naudlot nilang relasyon pati ako idadamay nila? Damn!

Nanlaki ang mga mata ko at agad na sinipa ang brake ng ubod ng lakas dahil sa pasalubong na itim na sasakyan. Napasubsub ako sa manebela pero hindi naman ako nauntog, mabilis ang paghinga ko nang iangat ko ang paningin ko at sobrang lapit ng sasakyan sa sasakyan ko. Napatigil ako ng may nagsilabasang mga armadong lalake sa sasakyan kaya agad akong lumingon sa pinanggalingan ko at may nakaharang doon pero may distansya.

Tiim bagang kong nilock ang sasakyan saka pinaandar ang makina at agad na inatras ito. Naalerto sila at kinabahan ako ng itaas nila ang armas nila.

Inatras ko parin ito at inikot ang daan para mabangga ang barikada ng highway. Derederetso ang pagmamaneho ko ng mabilis sa malawak na damuhan papunta sa kagubatan. Nagpaulan sila ng bala sa sasakyan ko pero mabilis parin akong nagderederetso sa gubat.

Naluluha kong kinuha ang cellphone ko at agad na kinontak si papa.

Nagring ang phone and i silently wished na sagutin nya. Pero cannot be reach kaya tinawagan ko si kuya sky.

"Pick up ! Pick up! Damn it!" I panicked nang ilang ring na naman ang dumaan. Napapikit ako nang hindi nya ito sinagot. Sunod kong tinawagan si kuya cloud pero unavailable ito. Napamura akong muli at tinawagan si kuya air. O gosh pick up!

It didn't! Damn! Last na 'to. I called paradise.

//Ate?// sagot ni paradise.

"Oh my gosh! Help i need your help paradise!" Sigaw ko rito.

//What? Anong nangyare sayo?// tanong nya.

"I am chased by armed guys. Track my phone now!" Sagot ko. Patuloy parin ang pamamaril ng mga sumusunod sakin ngayon na nakasasakyan at alam kong rinig sa kabilang linya yun.

//Hold on ate! I'll call some help!----Hon track ate heaven's phone bilis!// sagot nya at narinig ko pang inutusan nya ang asawa nya.

Napapikit ako at napaaray ng mabangga ako sa puno. Napamura ako ng mahilo ako ng kaunti, pinaadar ko ulit ang sasakyan dahil wala akong nakitang signs na sira ito o sasabog. Pero sirang sira na ang harap nito at napuno na nang bala ang sasakyan ko.

Iniba ko ang daan papunta palabas ng gubat. Mabuti nalang talaga at magkalayo ang mga punto kaya kayang kayang dumaan ang mga sasakyan. Nakita ko sa rearview na nakasunod ang maraming sasakyan. So may back up sila?

Binilisan ko pa ang pagpapaandar at binangga ang barikada ng highway kaya balik na naman ako sa highway. Laking pasasalamat ko na umaandar parin ang sasakyan pero nagpaulan na naman ang mga kalalakihan ng bala kaya tudo iwas ang sasakyan ko. Mabilis parin ang paghinga ko pero unti unti ko itong kinalma para makapagisip ng deretso. Pabalik balik ang tingin ko sa rearview at sa daan ko pero nabasag ang rearview na tinitignan ko. Yumuko ako ng maramdaman kong may papuntang bala. Tudo iwas parin ako at mabilis ang pagpapaandar.

My Lethal Wife ✓Where stories live. Discover now