Chapter 11

138 3 0
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

Sumakay na ako ng sasakyan ng makuha ko ito mula sa guard at pinaandar ko na papunta sa tinatambayan kong park.

Bumaba na ako ng maipark ko ang sasakyan saka naglakad papunta sa bench na bakante, kaunti nalang ang mga tao dahil hapon na at kaunti nalang ang naglalarong mga bata. Napangiti ako sa mga masasayang bata na walang tigil sa paglalaro. They are enjoying their selves habang bata pa sila dahil soon pag nasa edad ko na sila, hindi na sila makakapaglaro ng ganito.

Nagulat ako ng may magtakip ng bibig ko gamit ang panyo at alam ko na sa oras na huminga ako ay mawawalan ako ng malay kaya hindi ako huminga at nag pumiglas. Siniko ko ang tao sa likuran ko at alam kong nagsitakbuhan na ang mga bata na nakakita samin. Nakawala ako sa pagkakahawak nya at agad akong lumayo. Nakamask sya at cap kaya hindi ko makilala, agad syang lumapit sakin pero mabilis akong nakahanap ng pampalo sa kanya at hinampas sya ng malakas. Hindi ako binansagang tigreng gala kong hindi ako marunong protektahan ang sarili ko. When i was highschool nakikipagbasag ulo ako kahit na sikat ang pamilya ko sa school kaya kadalasan sakit sa ulo lang ako.

Nang mapaluhod ang lalake ay sinundan ko pa ng isang malakas na hampas at sinundan pa ng isa sa likod kaya nawalan ito ng malay at napahiga. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili habang tumitingin sa paligid para tignan kung may kasama ito. Binitawan ko na ang kahoy na napulot ko at hinila ang lalake papunta sa sasakyan ko. Napalo ko sya kanina sa ulo kaya expectna na nasa tatlong oras pa bago sya magising.

At dahil malayo ang police station rito at ang bahay lang namin ang malapit ay dumeretso na ako pauwi. Ayuko namang iwan ang lalakeng to sa park dahil marami akong gustong itanong rito kung anong pakay nya sakin.

Pagkapark ko nang sasakyan ay pinuntahan ko ang lalake sa back seat at hinila sya palabas. Hindi naman nakapagreact ang mga mga guards sa gulat.

Ngumiwi ako at hinila ang lalake sa paa at hinayaang sumadsad sya sa semento, kabayaran sa kabang ibinigay nya sakin. Hila hila ko sya hanggang makapasok ako ng mansyon at napansin kong nakauwi na pala ang mga kuya ko na nasa living room at kausap sina ate at max. Dumating si mama at papa at seb na natulala nang makita akong may hinihila.

"Heaven!" Agad nila akong nilapitan lalo na ang mga kuya ko na may pagaalala sa mga mukha nila.

Binitawan ko na ang lalake at napakamot sa ulo.

"Ah ano kasi.....muntik na ako nitong kidnapin or patayin ah ewan kung anong pakay nya" sambit ko. Nilapitan naman ako nila mama at papa at niyakap ako.

"Are you okay?" Tanong ni papa. Tumango naman ako ng kumalas na sila. Nakita kong lumapit sina kuya sa lalake at nagkaisa sila na gapusin at tignan ang kalagayan nito.

"I'm sorry, self defense lang naman ma" salita ko sa nagaalalang mukha ni mama na nakatingin sa lalake na ginapos nila kuya sa upuan.

"Its okay heaven. Alam naming self defense lang" sagot ni mama at hinagod pa ang likod ko. Ngumiti ako at nahagip ng paningin ko ang mukha ni ate na mukhang expected na nyang makakita ng ganitong pangyayare ulit.

"Bukas na bukas ipapapulis ko yan at aalamin natin ang mutibo nito" salita ni papa.

"Ma, pahinga muna ako" paalam ko kay mama. Tumango naman ito at tipid nangumiti sakin. Naglakad na ako sa hagdan kung nasaan si seb. Agad nya akong niyakap na may pagaalala sa mukha.

"Are you okay? Hindi ba kayo nasaktan?" Tanong nya. Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa pagkalas nya sa yakap.

"Gusto ko lang magpahinga seb" sagot ko. Tumango naman sya at inalalayan ako paakyat sa hagdan.

My Lethal Wife ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon