Chapter 7

139 2 1
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

Bukas na mangyayare ang photoshoot kaya sinusulit na namin ang araw namin rito sa resort dahil bukas busy na kami sa dami ng gagawin.

Its afternoon already at napagkasunduan na magiinuman sa pool. Yeah get drunk and be wasted again. Lumabas na ako ng kwarto matapos mag cr. Papasok na sana ako sa elevator ng may tumawag sakin. Lumingon ako at si Karen pala ito na naka two piece.

"H? Bakit nakaganyan ka?" Tanong nya na parang nagdidiri pa sa damit ko. Tumingin naman ako sa attire ko. Long sleeve polo checkered and an above the knee short.

"Bakit? Okay lang naman ah?" Tanong ko pabalik. Nginiwian naman nya ako at hinila pabalik sa kwarto.

"Anong okay? Mag two piece ka. Pakipot pa to" sagot nya at pinapasok ako sa kwarto. Sumimangot ako pero pumasok narin at mabilis na naghalungkat ng two piece. Kinuha ko ang itim na bikini saka naghubad at sinuot ito. Inayos ko na ang salamin ko saka lumabas na nang kwarto.

"Oh tara. Tignan mo, ganda pa nang katawan" puri nya at sabay na kaming pumasok sa elevator.

Hindi naman ito ang first time na nakatwo piece ako. Tuwing pumupunta kaming magkakaibigan sa mga ganitong beach ay nagtutwo piece ako, ngayon lang ata ako nawalan ng ganang mag two piece, magaling narin naman ako pero pakiramdam ko ang lamig lamig tapos naiilang ako sa katawan ko. Epekto ba ito sa ginawa namin ni seb?

Kinalma ko ang sarili saka lumabas na sa elevator nang magbukas ito. Sabay na kaming lumabas ng hotel. I saw some relatives of sarah na nakatwo piece kasama na ang mga kapatid nya. Even my pinsan are wearing two piece, so kung hindi ako tinawag ni karen baka out of place na ako sa kanila.

"Tara dali. Naliligo na sila oh" hinigit na ako ni karen sa pool area. Everyone was there, sa laki ba naman ng pool kahit kami ay magkakasya. Malakas rin ang music na pang disco at maraming drinks and foods.

Napangiti ako nang salubungin ako ni mommy selene. Nawala naman si karen sa tabi ko, siguro ay nauna na itong pumunta sa pool.

"Iha. Sabi ko na nga ba may tinatago kang ganda ng katawan" masayang papuri nya. Napatawa ako ng mahina saka niyakap sya.

"Salamat mom. How are you po?" Tanong ko. Hindi kasi sya medyo nakakasalumuha samin dahil sa sakit nya.

"Okay lang ako iha. Tara at hinahanap ka na nila" sagot nya at sinabayan ko na syang mas lumapit sa pool.

"Tita heaven!" Napangiti ako at sinalubong ng yakap ang batang si sabrina, ang anak ni ate sarah na mismong inalagaan ko noon. She's now 7 years old and i can see her beauty even if she's still young. Magaling narin syang magsalita. Sya ang matanda at lalake ang pinakabata na si Maximo.

"Baby sab, kung makayakap parang ngayon lang tayo nagkita ah" natatawa kong sambit sa bata. Ngumiti naman ito kaya labas ang dimple nya.

"Tita let's swim" aya nya at hinihila ang kamay ko. Tumayo ako at tumingin kay mommy selene na mukhang gulat na gulat pa na nakatingin kay sabrina.

"Mommy selene. Okay lang na samahan ko si baby sab?" Tanong ko rito. She look at me and composed her self.

"Ah yeah. Puntahan ko lang ang asawa ko" malumanay nyang sagot. Ngumiti ako saka nagpatangay na sa bata na pumunta sa pool. Umikot kami sa pool, sa pang bata na area. Nandoon din pala si ate at ang asawa ng mga kuya ko na nilalaro ang mga anak nila. Lumapit ako kay ate na nilalaro si maximo. Umupo ako sa tabi nya kaya nabasa ako ng tubig dahil nasa may hagdan kami. Hinayaan ko na si sabrina na makipaglaro sa mga pinsan nya.

My Lethal Wife ✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα