Chapter 10

143 1 0
                                    

Heaven Pearl Suarez's POV

ONE WEEK. One week na kaming kasal ni seb. After that night, kinabukasan, we go to different ways. We departed, ako sa mansyon dumeretso kasama ang pamilya ko at sya naman ay inasikaso ang pamilya nya pagkatapos balik sa trabaho ako at paggagala.

One week narin since i started to feel something inside me. Siguro instinct narin ng isang babae na makaramdam ng kakaiba magmula nang makaexperience ng sex. I hate to admit it pero may posibilidad na buntis ako dahil sa paiba iba kong taste sa pagkain at madalas kong pagsusuka.

"Ate namumutla ka na naman" napatingin ako kay paradise na nagaalala sakin. Simula ng dumating ako rito sa mansyon, si paradise ang lagi kong kasama dahil wala ang mga bata at nandoon sa mga lola at lolo nila plus si mama at papa ay nasa L.A nagbabakasyon na naman. Sina kuya at ate ang nandito parin nakatira sa bahay pero minsan ko lang makita.

"Okay lang ako paradise" sagot ko. Bumuntong hininga naman sya habang kumakain kami.

"I think buntis ka ate, we should consult a doctor" salita nya. Bumuntong hininga ako.

"Fine. But don't tell them yet. Ayukong umasa sina mama at papa" sagot ko. Ngumiti naman sya at tumango.

"Sasamahan kita ate, don't worry. Mamaya na ba?" Sagot nya. Tumango ako sa tanong nya at tumayo na ako para magbihis.

"Ngayon na. May meeting ako mamaya eh" sagot ko. Tumango sya kaya umalis na ako sa kusina at nagtungo sa kwarto para makapagbihis.

Hindi narin pala ako nag sasalamin dahil binilhan ako nila mama nang maraming contact lense. Nagbihis na ako nang loose shirt at leggings saka nagflat sandal ako at bumaba na ang hagdan.

Sumabay na sakin si paradise na sumakay sa sasakyan at nagmaneho na ang driver namin.

"Ate pag buntis ka, sasabihin ko kina mommy and daddy ha? Tapos patirahin mo na si kuya seb sa mansyon, since yun naman talaga ang gusto ni mommy nung una pa lang" salita ni paradise. Tumango ako at ngumiti.

"Ikaw bahala. Pero kung hindi, wag mo nang banggitin na pumunta tayo sa obegyne" sagot ko. Tumango sya.

"Uyy manong sa obegyne po ha.. sa family doctor natin. Alam mo na yun" natatawang uto sambit ni paradise sa driver. Tumango lang ang driver.

"Eeiihh excited na akong malaman" sambit ni paradise. Napatingin naman ako sa labas.

Kung buntis talaga ako, sa kanya ko nang ibubuhos ang pagmamahal ko since ito naman ang pinangarap ko noon pa ah. Ito naman talaga ang hiniling ko kay seb and it turns out na may iba pa pala syang balak. Yes, i investigated Sebastian Villarosa from the day we got married. Pina susundan ko sya at lahat lahat, para lang masigurong susunod sya sa kasunduan namin na wala syang gagawing ikasisira ng marriage namin sa mata ng ibang tao.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa clinic ni Doctor Karina Florentine. Bumaba na kami ni paradise at pinahintay ang driver sa parking lot.

Pumasok na kami at naghintay na lumabas si doctora Florentine.

"Mrs.Villarosa?" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni doctora. Medyo nagulat pa ako sa tinawag nito pero naalala ko rin agad na mrs. Na nga pala ako at iba na ang apelyedo ako.

"Yes doc. Good morning" sagot ko at tumayo.

"So i guess hindi ko na kailangan pang magtanong. Hali ka at ichecheck up na kita" salita nya at iginaya ako sa loob ng silid nya.

Tumingin ako kay paradise na nagiintay bago ako tuluyang pumasok sa silid.

*******

"You're 2 weeks pregnant iha.  Eto ang reseta mo mrs. Lagi mong tatatandaan ang mga sinabi ko ha" salita ni doctora at binigay sakin ang reseta.

My Lethal Wife ✓Where stories live. Discover now